December 29 2020
Kasabay ng parating na bagong taon, bagong pag-asa rin ang hatid ng GMA Kapuso Foundation para sa mga estudyante sa Cabatangan, Zamboanga City.
Nakapagpatayo kasi dito kamakailan ng isang multipurpose building ang GMA Kapuso Foundation.
Dahil kung sa mga classrooms, dating nakikihiram lang ng espasyo ang ilang mga mag-aaral sa mga sundalo ng 54th Engineering Brigade ng Philippine Army.
Ang isang barracks ay nagsilbing pansamantalang silid aralan ng daycare, alternative learning system o ALS at madrasa.
"It is 'school' sa Ingles, kung saan nag-aaaral 'yung mga kabataan natin," paliwanag ni Capt. Abdulahaq Mohammad, Chaplain ng Imam Brigade ng Philippine Army kung ano ang madrasa.
"Natutunan nila po doon ang pagbasa ng Qur'an. Ito'y isang worship para po sa amin kaya po kailangan po ng aming mga kabataan, especially our children, to learn how to read and write Arabic," dagdag pa niya.
Tumugon naman sa pangangailangang ito ang GMA Kapuso Foundation katuwang ang partners nito katulad ng 54th Engineering Brigade.
Nitong nakaraang September sinumulan ang proyekto at November naman ang pormal na inauguration ng multipurpose Kapuso building.
May dalawa itong classroom na may blackboard, electric fan, water dispenser at sarling banyo na panlalaki at pambabae.
Typhoon and earthquake resistant din ito para masiguradong matibay at magsilbing permanenteng lugar para sa edukasyon ng mga Tausug at Kristiyanong mag-aaral dito.
Ngayong panahon ng pandemya, maaari rin itong magamit para sa modular learning.
"Dahil may COVID nga at hindi natin sure kung kailan babalik ang face-to-face classes, minabuti namin na apart from pre-school, pwede rin maging madrasa 'yung place.
"That's why ginandahan namin dahil we all know how important religious study is to the Muslim people. And ALS center din," pahayag ni Rikki Escudero-Catibog, EVP and COO ng GMA Kapuso Foundation.
"We really wanted it to be a gift to the community, something that will last for several decades," dagdag pa niya.
Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa partisipasyon ng AFP Western Mindanao Command, 54th Engineering Brigade ng Philippine Army, Task Force Zampelan, Alpha Sigma Phi Philippines-Samboangan Alumni Association, BTICINO, Mariwasa Siam Ceramics Inc., at Apollo Lightings sa kanilang partisipasyon sa proyekto.
Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.
Maaari ring magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.
advertisement
advertisement
Comments
comments powered by Disqus