GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mahigit 6,000 residente sa Cagayan | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Mahigit 6,000 residente na naapektuhan ng bagyong Vicky ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation sa pagbisita nito sa Cagayan.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mahigit 6,000 residente sa Cagayan

By MARAH RUIZ

Muling binaha ang ilang bahagi ng Cagayan Valley dahil sa bagyong Vicky.

Kaya naman muling nagtungo doon ang GMA Kapuso Foundation para sa isa pang bugsong Operation Bayanihan.

 

GMA Kapuso Foundation in Cagayan


Hindi pa man nakakabangon mula sa pinsalang dala ng bagyong Ulysses, isang pagsubok na naman ang dala ng bagyong Vicky sa barangay Linao West.

Isa ang barangay na ito sa may pinaka malawak na taniman ng mais.

Sa kasamaang palad, nalubog ito ng baha noong tumama ang bagyong Ulysses at muli pa itong binaha pagdating naman ng bagyong Vicky.

Para matulungan ang mga residente dito, nagdala ang GMA Kapuso Foundation ng relief packs at inuming tubig para sa 2,000 residente ng ng Linao West sa Tuguegarao.

Tumungo din ang GMA Kapuso Foundation sa Enrile, Cagayan kung saan mahigit 4,000 na indibidwal naman ang nabigyan ng relief packs at inuming tubig.

Katuwang sa pamamahagi ang 5ID at 501st BDE.

Bukod dito, naghatid din ng Noche Buena package ang GMA Kapuso Foundation sa iba pang naapektuhan ng pagbahang dulot ng bagyong Ulysses tulad ng mga tindera ng gulay, construction workers, karagador at 107 pamilya sa Tatalon, Quezon City.

Nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakikiisa ng La Filipina Uy Gongco Group of Companies sa proyekto.

Sa mga sa mga nais mag-abot ng tulong GMA Kapuso Foundation, maaaring mag-donate online sa pamamagitan ng pagbisita sa official website nito.


Maari ding magdeposito sa iba't ibang bank accounts ng GMA Kapuso Foundation, pati na sa Cebuana Lhuillier.