GMA Kapuso Foundation, naglunsad ng livelihood project katuwang ang Universal Robina Corporation
December 19 2020
By MARAH RUIZ
Maglulunsad ng tulong pangkabuhayan ang GMA Kapuso Foundation katuwang ang Universal Robina Corporation.
Tatawagin itong 'Bike for Good' at layunin nitong mabigyan ng hanap-buhay ang mga taong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ang bawat beneficiary ay makakakuha ng isang customized na bisikleta at 60 piraso ng iba't ibang tinapay mula sa Baker John bilang panimulang puhunan.
"It was the vision of the late founder, Mr. John Gokongwei. Ever since, he wanted to come up with his own bakery. When he had to fend for the family, he used a bike to do his trading so it kinda connected to us," pahayag ni Ellison Lee, managing director ng Flour and Bread Division ng Universal Robina Corporation.
Ang 'Bike for Good' din ang kaunaunahang livelihood project ng GMA Kapuso Foundation sa National Capital Region o NCR.
"It's a way of supporting, especially during now, a lot of people have lost their jobs. The Kapuso Foundation is a very credible foundation. We wanted to reach out to individuals that need assistance," dagdag pa ni Lee.
Masusing pipili ng 30 indibidwal na makakatanggap ng negosyo starter pack na ito.
"Sana with that small puhunan ay lumago at saka mag-succeed sila," pahayag ni Rikki Escudero-Catibo, EVP at COO ng GMA Kapuso Foundation.
Nagpapasalamat din ang GMA Kapuso Foundation sa Joint Task Force-NCR sa kanilang tuloy sa proyekto.
Comments
comments powered by Disqus