Mga pamilyang nasalanta ng Typhoon Rolly, hinatiran ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles
Matapos dumaan ang bagyo, isa ang GMA Kapuso Foundation sa mga unang naghatid ng relief goods sa Southern Luzon para magbigay tulong sa mga pamilyang pansamantalang lumikas sa mga evacuation centers.
Mga pamilyang nasalanta ng Typhoon Rolly, hinatiran ng relief goods ng GMA Kapuso Foundation
November 04 2020
By CARA EMMELINE GARCIA
Hindi pa man tapos ang banta ng COVID-19 sa bansa, sunud-sunod naman na mga bagyo ang hinarap ng Pilipinas noong mga nakaraang linggo.
Isa na rito ang Bagyong Rolly o kilala sa international name Goni, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon. Sa lakas nito, umabot pa sa “Super Typhoon” category ang Bagyong Rolly at itinaas sa signal number 5 ang ilang parte ng bansa tulad ng Catanduanes, Albay, Bulacan, Bataan, at ilang bahagi ng Camarines Sur.
Matapos dumaan ang bagyo, isa ang GMA Kapuso Foundation sa mga unang naghatid ng relief goods sa Southern Luzon para magbigay tulong sa mga pamilyang pansamantalang lumikas sa mga evacuation centers.
Hindi man direktang tinamaan ng Bagyong Rolly, pinahirapan rin ng bagyo ang ilang coastal areas ng Bataan at Bulacan dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Kaya naman minabuti ng GMA Kapuso Foundation na hatiran ng tulong ang mga taong lumikas bago pa man bumagsak ang super typhoon. Isa na rito ang isang sitio sa may Calumpit, Bulacan kung saan halos lubog na ang mga kabahayan tuwing tag-ulan.
Sa kabuuan, 2,000 pamilya sa Camarines Sur, Albay, Bataan, at Bulacan na ang natulungan ng GMA Kapuso Foundation.
Maraming salamat po sa mga patuloy na sumusuporta sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation.
Sa mga nais pang magbigay ng donasyon at makiisa sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.
Comments
comments powered by Disqus