Batang may leukemia, natapos ang gamutan salamat sa GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles
Bilang bahagi ng Give-A-Gift Kapuso Cancer Champion Project ng GMA Kapuso Foundation, natapos ang chemotherapy ng isang 8-year old batang may leukemia.
Batang may leukemia, natapos ang gamutan salamat sa GMA Kapuso Foundation
September 15 2020
By MARAH RUIZ
Taong 2015 nang ma-diagnose ang batang si Markhen Gabuyan ng sakit na acute lymphoblastic leukemia, isang uri ng cancer sa dugo.
Buti na lang, naging bahagi siya ng Give-A-Gift Kapuso Cancer Champion Project ng GMA Kapuso Foundation kaya naging tuloy tuloy ang kanyang gamutan, salamat sa mga sponsor at donors.
Taong 2019 nang matapos ni ng 8-years old na si Markhen ang kanyang chemotherapy. Sasailalim siya ngayong sa limang taong monitoring para masiguradong siya ay cancer free.
"Nagpapasalamat po ako sa Panginoon dahil kahit papaano, marami pong tao tumulong. Mga doktor na unang humawak po sa anak ko, nagpapasalat din po ako sa kanilang lahat," pahayag ng kanyang inang si Marilyn.
"Marami pong salamat sa GMA Kapuso Foundation. Magaling na po ako," sambit naman ni Markhen.
Isa lang si Markhen sa mga batang may cancer na tinutulungan ng GMA Kapuso Foundation.
Marami sa kanila, may cancer sa dugo tulad ng leukemia at kinakailangan salinan ng dugo.
Sa mga gustong mag-donate ng dugo, maaring pumunta sa pinakamalapit ng Philippine Red Cross.
Lubos din ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa pakiisa ng Ever Commonwealth sa proyekto.
Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.
Comments
comments powered by Disqus