GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga tatay na naapektuhan ang kabuhayan ngayong quarantine | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang ang mga tatay na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kabuhayan sa mahigit 2,500 tao na hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Valenzuela.

GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng tulong sa mga tatay na naapektuhan ang kabuhayan ngayong quarantine

By MARAH RUIZ

Dahil sa lockdown na dala ng COVID-19, maraming mga tatay ang naapektuhan ang hanapbuhay.

Isa na dito si Sonny Tapang, isang factory worker sa Valenzuela. Halos tatlong buwang hindi nakapasok sa trabaho si Sonny dahil sa lockdown.

Nakabalik na siya kamakailan sa trabaho dahil nasa general community quarantine o GCQ na ang Valenzuela.

Bilang tulong at pagpupugay sa mga tatay na tulad niya ngayong Father's Day, nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng Kapuso GCQ family pack na may frozen chicken packs, biskwit, tinapay, hotdog, bigas, juice, de lata, sabong panligo at panlaba.

Mahigit 2,500 tao sa Valenzuela ang nagbigyan ng tulong.

Naging posible ito dahil sa mga donasyon at tulong ng Jollibee Group, Mr. Park's Bread and Cake, Golden Biggy Coolers, Cookbest Cooking Oil, Injoy Philippines, at ng iba pang sponsor at donors.

Katuwang pa rin ng GMA Kapuso Foundation sa pamamahagi ang Joint Task Force-NCR ng AFP.

 

 



Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.