Ilang Kapuso stars, nakisama sa Project Rice Up ng GMA Artist Center at GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakisali ang ilang Kapuso stars sa pag-pack ng ilang relief goods para makatulong sa Project Rice Up ng GMA Artist Center at GMA Kapuso Foundation.

Ilang Kapuso stars, nakisama sa Project Rice Up ng GMA Artist Center at GMA Kapuso Foundation

By CARA EMMELINE GARCIA

Dahil sa naantala ang shooting ng GMA Network dahil sa enhanced community quarantine, gumagawa pa rin ng paraan ang ilang Kapuso stars para makatulong sa mga kababayan natin na apektado ng pandemic.

 

 

Isa na diyan si Kapuso actress Heart Evangelista na patuloy na tumutulong ‘di lamang sa Sorsogon kundi pati na rin sa social media. 

Sa panayam ng 24 Oras, hindi napigilan ni Heart na maiyak nang ikinukuwento ang mga taong natulungan niya sa panahon ng krisis.

"‘Pag nakikita ko ‘yun and there’s so many people, it’s hard because you have to choose who needs it the most. And for me, that’s the hardest task because you want to help everyone.” 

Maliban sa kanyang individual efforts, kabilang din si Heart sa Project Rice Up: Butil Para Sa Buhay  ng Kapuso Artist Center na kumakalap ng pondo para makabili ng bigas para sa mga nangangailangan. 

Ayon sa report, umabot na sa 190 bigas ang naihatid sa GMA Kapuso Foundation. 

Tumulong din sa Project Rice Up ang ilang Kapuso stars tulad nina Martin del Rosario, Ashley Ortega, Myrtle Sarrosa, Lexi Gonzales, at Radson Flores. 

Sambit pa ni Martin del Rosario, “Lahat tayo dito apektado kaya wala tayong pwedeng gawin kundi tulungan natin ang isa’t isa.”

Panoorin:

 

Mga Kapuso, dahil po sa inyong tulong at suporta, marami pa sa ating mga kababayan ang natutulungan ngayong panahon ng krisis.

Sa mga nais pang magpaabot ng tulong, bisitahin lamang ang GMA Kapuso Foundation website

Maari ring mag-donate sa pamamagitan ng Cebuana Lhuillier sa lahat ng branches nationwide. Account Name: GMA Kapuso Foundation, Inc. 

Pwede ka ring makatulong habang nag-o-online shopping sa pamamagitan ng pagbili ng GMA Kapuso Foundation vouchers sa Shopee-Bayanihan

Mga Kapuso, sama-sama nating labanan ang COVID-19.