GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng donasyon para sa biktima ng bagyong Ruby | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Maaring dalhin ang mga donasyon sa GMA Kapuso Foundation Office o sa GMA Kapuso warehouse, Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 am hanggang 6:00 pm.  

GMA Kapuso Foundation, tumatanggap ng donasyon para sa biktima ng bagyong Ruby

Handa na ang GMA Kapuso Foundation sa pagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Ruby bago pa man ito tumama sa bansa noong Sabado.
 
Nagsimula na ang repacking sa GMAKF warehouse sa Maynila, GMA Cebu, Calbayog City sa Samar at Kapuso Village sa Tacloban, patunay sa misyon nitong makapaghatid ng Serbisyong Totoo sa mga nangangailangan.
 
Patuloy ang Foundation sa pagtanggap ng mga donasyon kagaya ng bigas, de lata, noodles, gatas, kape, asukal, toothbrush, toothpaste, sabong panligo, sabong panlaba; at mga bagong banig, kumot, tuwalya, at tsinelas.
 
Maaring dalhin ang mga donasyon sa GMA Kapuso Foundation Office, GMA Network Drive cor. Samar St. Diliman Quezon city (928-7013/ 928-9351) o sa GMA Kapuso warehouse, 366 GMA Compound, Tandang Sora Avenue, Barangay Culiat, Quezon City. Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 am hanggang 6:00 pm.
 
Maaari ring mag-donate ng cash sa anumang branch ng Metrobank, UCPB, PNB at Cebuana Lhuillier.
 
Nangangailangan din ang Foundation ng mas marami pang volunteer para sa repacking. Para sa ibang impormasyon mag log on lang sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation.

Sa lahat ng branches ng CEBUANA LHUILLIER sa Pilipinas