August 30 2012
Lalong pinatibay ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ang paghahatid nito ng serbisyong totoo sa katimugang bahagi ng bansa sa pagtatatag ng GMAKF Davao Chapter na ginanap noong August 17 sa El Gato Restaurant, Rancho Palos Verdes Sports and Country Club, Davao City.
Ang launch na may temang “Serbisyong Tinud-Anay Para Sa Tanay (Serbisyong Totoo Para Sa Lahat)” ay isinagawa upang makapaghikayat ng mga volunteers at donors mula sa pinaka-malaki at pinaka-mataong siyudad sa buong Pilipinas.
Akma ang lokasyon ng Davao na maging sentro ng Southern operations ng GMAKF dahil malapit ito sa ibang probinsya sa Mindanao kung saan laganap ang kahirapan. Dagdag pa dito ang pagkakaroon ng GMA TV Davao Station upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.
Ayon kay GMAKF EVP and COO Mel Tiangco, ang Davao Chapter ang magsisilbing tulay sa pagitan ng mga Davaoeños at mga taga-Quezon City headquarters ng GMAKF kung saan nagsisimula ang karamihan sa mga programa ng Foundation.
“We want to go to the grassroots as we mount and deliver our public service efforts. We also want to involve more people in the cause of alleviating poverty levels and extending assistance in several areas across the country,” saad ni Tiangco.
Subalit kalaunan ay nais niya na tumayo mag-isa ang Davao Chapter at makapangalap ng tulong sa mga lokal ng Davao. “Our end-goal is to make the Davao Chapter self-supporting, in that it should be able to mount its own medical missions, relief operations, etc. thru local support. But this does necessarily mean that we are excluding ourselves from its operations. We will be working hand in hand with them as we strive to better serve the residents of Davao.”
Pinangunahan ni Tiangco ang ceremonial toast kasama sina Mr. Jeffery Balde, Executive Director of GMAKF, Ms. Mariles Puentevella, Station Manager of GMA TV 5 Davao, Mr. Oliver Amoroso, AVP for GMA Regional TV, Ms. Cel Amores, AVP for Regional News and Public Affairs, at Ms. Gigi Lolarga, Operations Manager for GMA Regional TV.
Noong August 18 ay ginanap ang Kapuso Barangayan, isang medical mission sponsored by Pharex Health Corp. bilang regalo sa birthday ni Ms. Mel Tiangco. “It has been a yearly tradition for them to sponsor a medical mission worth at least half a million for my birthday, and I am very grateful for that,” ayon kay Tiangco.
Magmula 2008 ay aktibo na ang GMAKF sa pagtaguyod ng iba’t ibang humanitarian activities para sa mga underprivileged communities sa Davao. Kabilang dito ang iba’t ibang health, education, disaster relief at values formation projects ng GMAKF.
Bukod sa Cebu, Iloilo at Davao, nakatakda rin ilunsad ang GMAKF Chapter sa Dagupan. Plano rin ng Foundation na magtaguyod ng GMAKF chapters sa mga bagong originating stations ng GMA sa Bicol at Ilocos.
Para sa mga nais makiisa sa pag-abot ng tulong ng GMAKF, maaaring mag-deposit sa account name na GMA Kapuso Foundation, Inc. Para sa Metrobank, ang account numbers ay ang mga sumusunod: 3-098-51034-7 (Peso Savings) at 2-098-00244-2 na may code MBTC PH MM (Dollar Savings). Para sa UCPB, ang account numbers ay 115-184777-2 at 160-111277-7 (Peso Savings), at 01-115-301177-9 at 01-160-300427-6 with swift code UCPB PH MM (Dollar Savings). Maaari ring magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng website at lahat ng Cebuana Lhuillier branches sa buong bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa (632) 9827777 locals 9901 o 9905, o mag-email sa gmaf@gmanetwork.com o mag log-on sa www.gmanetwork.com.
advertisement
advertisement
As of November 7, GMAKF was able to extend help to a total of 11,554 families or 46,216 individuals affected by Severe Tropical Storm Kristine. Read more
GMA Kapuso Foundation (GMAKF), the socio-civic arm of GMA Network, recently received a four-million-peso donation from the Armed Forces of the Philippines (AFP). Read more
GMAKF has remained steadfast in its core mission through its flagship project, Operation Bayanihan. Read more
GMA Kapuso Foundation (GMAKF) joined forces with the Department of Interior and Local Government (DILG) to hasten the implementation of relief operations in disaster-stricken areas. Read more
Napaoperahan na ng GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking naimpeksiyon ang ari matapos magturok ng petroleum jelly dito. Read more
GMA Kapuso Foundation, Inc. (GMAKF), the socio-civic arm of GMA Network, recently received a check donation from Cut Unlimited, Inc. The donation was part of the proceeds from last year’s Noel Bazaar. Read more
Kabilang sa mga bibigyan ng pustiso ng GMA Kapuso Foundation ang dalawang beautician sa Marikina. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng pagbaha at landslides sa Davao de Oro. Read more
Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang lalaking limang taon nang nakakulong sa kuwarto dahil sa problema sa pag-iisip. Read more
Nanawagan ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata sa Sorsogon na nasunog ang lalamunan. Read more
Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang isang jeepney barker na may cerebral palsy. Read more
Humingi ng tulong sa GMA Kapuso Foundation ang isang bata na may kamay at braso sa kanyang likuran. Read more
Pinasinayaan na ang dalawang classrooms na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa dalawang paaralan sa Kidapawan. Read more
Nagbigay ng pamasko ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng lindol sa Tagbina, Surigao del Sur. Read more
Nakapag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa 4,000 indibidwal na apektado ng lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur. Read more
advertisement
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga apektado ng lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur. Read more
Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga mangingisda sa Sarangani na apektado ng lindol. Read more
Dinala ng GMA Kapuso Foundation sa mga espesyalista ang conjoined twins mula sa Maguindanao del Sur. Read more
Magpapatayo ng dalawang classroom ang GMA Kapuso Foundation sa isang paaralan na sinira ng super typhoon Karding sa Quezon. Read more
Nakalikom ang GMA Kapuso Foundation ng mahigit 1,000 blood bags sa isinagawa nitong bloodletting sa Baguio City at Capas, Tarlac. Read more
Nagbigay ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha sa Northern Samar. Read more
Naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga residente sa Sarangani na naapektuhan ng 6.7 magnitude na lindol. Read more
Tutulong ang GMA Kapuso Foundation sa chemotherapy at laboratory tests ng 15 batang may cancer. Read more
Nagbigay ang GMA Kapuso Foundation ng libreng dental services sa mga mag-aaral sa Camarines Norte Read more
Naghatid ang GMA Kapuso Foundation ng maagang pamasko sa mga mag-aaral sa Jose Panganiban, Camarines Norte. Read more