Hindi lang daw aksyon at bakbakan ang hatid ng pinakabagong primetime action serye ng GMA na Black Rider, kung hindi pati tawanan at iyakan din!'
Sa Quick Chat ng GMA Pinoy TV, ikinuwento ng stars ang mga dapat abangan ng mga global Pinoy.
“I am sure magugustuhan po ninyo because we have a lot to offer. Hindi lang action. Of course, may drama, kaunting comedy. Talagang mabubulunan po kayo sa dami ng artista,” ayon kay Gladys Reyes na gumaganap bilang Sasha.
Kaabang-abang naman ang action scenes, ayon sa aktres na si Katrina Halili na gumaganap bilang Romana. “Excited na rin po kami na maihatid sa inyo ang bagong kuwento. Black Rider po, panoorin niyo po. Super full-packed action po and siyempre may puso.”
HIndi rin daw ito mauubusan ng pasabog, ayon sa Tiktok star na si Pipay na gumaganap bilang Apol Pie. “Hello, sa mga Pinoys over the world, abangan n’yo po ang bagong series sa GMA Pinoy TV. Pasabog, maraming nangyari, maraming artista, at maraming ire-represent na mga tao ito.”
Para naman kay Yassi Pressman na gumaganap bilang Vanessa, ang puso ng kuwento ng bawat ordinaryong Pilipino ang dapat na tutukan ng global Pinoys.
“I am very excited din po. I hope magustuhan niyo po, talagang pinaghirapan po talaga, ng lahat ng cast, at mga directors, lahat po. Ang kuwento po nito, napakaganda. Tungkol po sa riders natin at tungkol din po sa mga ordinaryong Pilipinong parating mayroong pagsubok, tungkol din po sa paghahanap ng hustisya. Standing with [what is] right.”
At para naman sa bida ng serye na si Ruru Madrid, wala na raw hahanapin ang mga manonood.
“Sa lahat po ng mga global Pinoy, sa lahat po ng mga Kapuso natin sa iba’t ibang panig ng ating mundo, inaanyayahan ko po kayong suportahan ang Black Rider. Siguradong mabubusog po kayo sa lahat ng action scenes, sa lahat ng drama scenes, patatawanin din kayo nito. Lahat ng nandito sa isang programa, nandito na. At the same time, lahat ng tinitingala ninyong stars, mga artista, nandito rin po sa Black Rider.”
Para mapanood ang full episodes ng “Black Rider” overseas, mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, The Home of Global Pinoys. Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.