KMJS: Forest Ham sa Sagada, walong araw na niluluto?

Hindi kumpleto ang pagsalubong sa Bagong Taon kung walang salo-salo! 

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” tampok ang ilang mga pagkaing maaaring pagsalu-saluhan ng pamilya ngayong Media Noche!

Sa Sagada, Mountain Province, pambato raw nila ang tinatawag na “forest ham.” 

Kuwento ni Deniel Escobar, gumagawa ng forest ham, hindi raw biro ang paghahanda nito. Inaabot daw kasi ng dalawang linggo ang buong proseso sa paggawa ng hamon na ito. Ang nagpapasarap dito, literal na galing din sa forest!

Sa pagpapausok ng forest ham, gumagamit sila ng alderwood. Ang tamis at aroma raw ng kahoy na ito ang siyang nagpapalinamnam sa karne ng forest ham. 

Matapos timplahan ang karne, hahayaang manuot ang lasa nito sa loob ng pitong araw. Tatalian ito gamit ang nylon para magkakorte at magkamarka. Saka naman pauusukan sa loob ng 200 oras o mahigit walong araw!

Ang kada order ng forest ham, nagkakahalaga ng P 1,200. 

Ang iba pang heirloom Media Noche recipes, panoorin sa video na ito:

Mapapanood ang buong episodes ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA Pinoy TV. Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye kung paano mapapanood ang inyong favorite Kapuso shows abroad! I-follow na rin ang GMA Pinoy TV sa social media para sa iba pang updates!

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.