Iva Claire Jamelarin, a young student from Dueñas, Iloilo, did not expect that her surprise spoken word performance video for her OFW mother would go viral after posting it on social media.
Her mother, Mrs. Eva Jamelarin, first went to Singapore but had to leave after her contract has expired. Now she's working in Hong Kong as a domestic helper and through this, she has been able to send money, toys and packages to her family in Iloilo. Today, the Jamelarin family already have their own house, piggery and a tricycle that her husband Ike uses to earn more for a living. Two of their children are about to graduate from college with degrees in Criminology and Education.
This may be considered a success story of an OFW family, but Iva expressed its downside at least in her case as the youngest child of the family. As her mother left them when she was just about to turn 3 years old, she sighs over the fact that her mother was not there for the many milestones in her life - her first day at school, her first recognition ceremony and when she graduated from elementary. She wrote this and more in her tear-jerking poem titled “’Nay, ‘Yan ay Pangako,” which is based on her own experiences as a child of an Overseas Filipino Worker who left them at a very young age to be able to provide for the family.
Aside from the original reason of surprising her mother with this poem, Iva says she also dedicates this to all OFW parents who are away from their families. The viral video of her spoken word performance touched the hearts of many Filipinos, both the OFWs themselves and their families, which GMA Public Affairs program Kapuso Mo, Jessica Soho recognized.
KMJS decides to feature her story and send her family an unexpected surprise. Watch it here:
Nay, 'Yan ay Pangako
Written by: Iva Claire M. Jamelarin
"Para ito sa inyong kinabukasan.
Titiisin kahit mabigat man sa pakiramdam
Tutulak palayo para makaahon sa kahirapan
Wala man ako sa inyong paglaki,
Sa aking puso, kayo ay mananatli
Masakit man sa akin ang malayo ay kakayanin ko
Sa kadahilanang ayaw kong maranasan niyo ang mga naranasan ko
Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyo 'to
'Yan palagi ang tumatakbo sa isip ng OFW
Magtatatlo ako nang umalis ang nanay ko
Apat kami, at ako ang bunso
Sa mura kong edad ay kinaya ko
Dahil ang pangako ni nanay, "Babalik ako."
Pinanghawakan ko
At panghahawakan ko
Dahil naiintindihan ko
Magtatatlo ako nang umalis ang nanay ko
Pinatulog lang kami at saka tumungo
Ang daming tanong na sa aking isipan ay tumatakbo
Tulad ng, "Kung 'di kaya ako natulog, mananatili ka ba?"
"Kung nakita mo kayang mulat ang aking mga mata at lumuluha, tutuloy ka pa ba?"
"Kung nalaman ko bang mag-aabroad ka at makikiusap akong' wag ka nang umalis, papayag ka ba?"
Pero kahit 'di ako natulog
Kahit mulat ang aking mga mata at lumuluha
Kahit makiusap akong wag ka nang umalis
Ay wala na ‘kong magagawa dahil buo na ang 'yong pasya
Nakita mo man ang unang tawa ko
Nakita mo man ang unang iyak ko
Narinig mo man ang unang salita ko
Nasaksihan mo man ang unang lakad ko
Ang unang pagkadapa at pagbangon ko
Ang unang beses na kumain ako
Pero wala ka sa unang araw ng pagpasok ko sa eskwela
Wala ka sa unang pagpupulong kasama si maestra
Wala ka nang unang sinabitan ako ng medalya
Wala ka sa pagtatapos ko sa elementarya
Hindi ako nanunumbat
Pero 'Nay, kailangan kita.
Pero pipilitin kong intindihin
Dahil para sa'min kaya nandiyan ka
Ang hirap lumaki na wala ka sa tabi ko
Walang nanay na mag-aalaga sa'kin tuwing nagkakasakit ako
Walang magtuturo sa'kin tuwing hirap na ako sa assignments ko
Walang yayakap sa'kin tuwing may napagtatagumpayan ako
Pero ramdam kita dahil nandito ka, at mananatili ka sa Puso ko
Gusto ko ang mga pag-ugoy mo
Gusto ko ang pagsuklay mo ng buhok ko
Pagpili ng idadamit ko
Pagluluto ng ulam ko
Yakap at halik mo
Miss na miss na kita
Gusto ko na ulit makulong sa bisig mo
Ilang taon na ba kitang hindi nakakasama? Dalawang taon? Higit pa?
Kaya tuwing umuuwi ka ay sinasalubong kita ng mainit na yakap
Dahil gusto kong sulitin ang mga panahong muli kang makasama
Kapalit ng panibagong dalawang taon mo sa ibang bansa
Gusto kong magtampo
Ilang okasyon na ba ang wala ka sa tabi ko?
Kaarawan, graduation, bagong taon, pasko
Oo, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko
Pero hindi materyal na bagay ang nais ko
Kundi ikaw, sa bawat okasyon at yakap ako
Kaya pipilitin kong palitan
Ang bawat butil ng pawis mo
Sasabayan ko ang sakripisyo mo
Sa darating na anim pang taon
Hindi na mabigat na maleta ang bitbit ng mga kamay mo
Hindi na passport at ticket papunta sa kung saang lupalop ng mundo
Dahil sasabayan kita sa hakbang mo
Hahawakan ko ang kamay mo habang paakyat tayo sa entablado't makukuha mo na ang patunay ng mga sakripisyo mo
For more content like this, make sure to follow GMA Pinoy TV on Facebook, Twitter and Instagram.