ABOUT THE SHOW

‘Biyahe ni Drew’ is a popular travel show in the Philippines that takes its viewers on a budget-friendly adventure every week. Travel hacks, bucket list ideas, and tipid tips for local and international destinations? Biyahero Drew got you covered!

Biyahe ni Drew: Sumakay sa submarine sa Jeju Island

By Ron Lim

Dahil sa patuloy na popularidad ng mga K-drama at K-pop idols, napakarami pa ring mga Pilipino na nangangarap na makapunta at makapamasyal sa South Korea. Dahil dito, ilang beses na bumiyahe ang Biyahe ni Drew sa bansa upang ipakita ang iba't ibang atraksyon dito.

Ilan lamang sa mga napuntahan na ng Biyahe ni Drew ay ang Sky Bike ng Daecheon Beach, ang Myeong-dong at iba't ibang street food nito, at ang Yongpyong Resort sa Gangwon-do.

Ang panibagong atraksyon na binisita nila ay ang Seogwipo Submarine ng Jeju Island. Ang mga sasakay sa atraksyong ito ay makakasisid ng hanggang 40 metro o katumbas ng isang 15-storey building sa ilalim ng dagat. Habang sakay nito, makakakita hindi lamang ng mga lamang-dagat, kundi pati na rin ilang mga shipwreck sa karagatan ng Jeju.

Unang naglayag ang submarine na ito higit na 36 taon na ang nakakalipas at wala pang aksidenteng nangyayari, na kinilala naman ng Guinness World Records bilang longest accident-free operation of a tour submarine.

Isa lamang ang submarine na ito sa mga atraksyon na binisita ng Biyahe ni Drew sa Jeju Island. Dati na nilang pinuntahan ang Gamittanam Café at Gamoemul Orange Farm.

Panoorin ang video sa ibaba.

Panoorin ang Biyahe ni Drew at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

PROMOTED STORIES
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.