ABOUT THE SHOW

Reporter’s Notebook is an investigative program hosted by multi-awarded host Maki Pulido and one of GMA Network's most seasoned reporters, Jun Veneracion. It provides in-depth analysis on the biggest news stories and significant issues in the Philippines.

Reporter's Notebook: Mga estudyante, lumulusong sa baha upang makapag-aral

By Jimboy Napoles

Sa pagbabalik sa face-to-face classes ng mga estudyante dahil sa bahagyang paghupa ng banta ng COVID-19, may panibagong hamon naman para sa ilang mga mag-aaral sa Pampanga na lumulusong sa baha upang makarating sa nakalubog din sa tubig na kanilang paaralan.

Sa isang episode ng Reporter's Notebook kamakailan, binisita ni Jun Veneracion ang Dalan Baliti Elementary School sa Macabebe, Pampanga kung saan nakilala niya ang Grade 6 student na si Carla Lacap.

Isa si Carla sa mga estudyante sa kanilang lugar na lumulusong sa baha, naglalakad sa maliit na pilapil, tumutulay sa sirang tulay, at sumasakay ng bangka upang makapasok sa kanilang paaralan.

"Minsan po kapag pumupunta na po kami dito [sa paaralan] kahit po umuulan, naglalakad po kami sa putik tapos naghuhugas na lang po kami sa poso para pagpasok po namin malinis na kami' kuwento ni Carla tungkol sa kanilang dinaranas na hirap sa pagpasok dahil sa baha.

"Pero natatakot din po kasi baka madulas kami [sa daan] tapos 'yung mga gamit ko po baka mabasa."

Bukod sa mga estudyante gaya ni Carla, kalbaryo rin para sa mga guro ng nasabing paaralan ang mabilis na pag-apaw ng tubig sa kanilang eskuwelahan.

Sa report ni Jun, naabutan niya ang guro na si Mylene Ambrocio na maagang naglilimas ng tubig bago pa dumating ang mga estudyante.

"Mababa kasi 'yung location ng [paaralan] namin [dahil] nasa coastal kami katulad niyan malapit kami sa sapa isang factor po 'yan na kapag dumating na ang high tide, ang timano makakarating po ang [tubig] sa amin unlike sa upland, kami po talaga ang mapupuntahan ng tubig," ani teacher Mylene tungkol sa sitwasyon ng kanilang paaralan.

Taong 2019 pa isinangguni ng pamunuan ng Dalan Baliti Elementary School sa Department of Education ang pagsasaayos ng kanilang paaralan, ngunit hindi ito tuluyang naproseso dahil sa pagdating ng pandemya.

Kaya ang tanong, hanggang kailan magtitiis ang mga estudyante at guro sa ganitong sitwasyon?

Panoorin ang buong ulat ni Jun Veneracion sa isyung ito, rito:

Samantala, panoorin ang Reporter's Notebook at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

PROMOTED STORIES
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.