Multi-awarded documentary program na 'Reporter's Notebook,' wagi sa ratings!
Tumabo ng mataas na ratings ang 2021 New York Festivals Bronze World Medalist documentary program na Reporter's Notebook sa latest episode nito, nito lamang Linggo (March 6).
Base sa NUTAM People ratings, nakapagtala ng 1.6 ratings ang nasabing programa na mas mataas kumpara sa mga katapat nitong TV shows sa ibang istasyon.
Tampok sa nasabing episode ng Reporter's Notebook ang ilang Filipino cuisine na dinala ng ilang mga Pinoy abroad sa iba't ibang panig ng mundo.
Mapapanood ang Reporter's Notebook tuwing Linggo, 9:15 hanggang 9:45 ng gabi sa GTV.
Samantala, mapapanood din ang Reporter's Notebook at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.