Dapat Alam Mo!: Biriterang Mangyan singer, kilalanin!
Tampok sa isang episode ng Dapat Alam Mo! ang katutubong Mangyan na si Allen Yan-Wan na nag-viral sa social media dahil sa kanyang golden voice.
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
Ang pamilya ni Allen ang madalas na makarinig ng kanyang magandang singing voice at pang-hele niya pa ito sa kanyang anak.
“Ako po ay nahilig sa pagkanta noong ako po ay grade three. Kapag may videoke po, kumakanta po ako. Pumupunta po ako sa mga may birthday, 'yung gano'n po,” pagbabahagi niya.
Nadiskubre naman ng vlogger na si The Good Mangyan, o Ken Red, ang singing video ni Allen at nakitaan niya ito ng potensyal. Naging tulay ang mga vlog ni Ken upang mayroong magbukas na mga oportunidad para sa biriterang Mangyan.
Kaya naman si Ken na rin ang tumatayong manager ni Allen.
PHOTO COURTESY: Dapat Alam Mo!
“Maraming mga promotion, mga endorsement na dumarating sa amin, lalo sa kaniya. Nabibigyan po sila ng mga pinansyal kahit maliit po. Nabibilhan po ito ng mga pang-gatas kung sakaling may nag-iimbita po sa amin,” kuwento niya.
Nang dahil sa iba't ibang imbitasyon para mag-perform, niregaluhan ni Ken si Allen ng videoke at cellphone upang magamit niya sa pag-e-ensayo.
Bukod dito, unti-unti na rin nagbago ang buhay ni Allen. “Sobrang sarap po sa pakiramdam ko. Unti-unti na pong natutupad 'yung mga gusto ko po, 'yung mga pangarap ko,” pagbabahagi niya.
Panoorin ang buong Dapat Alam Mo! video sa ibaba.
Panoorin ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.