Dapat Alam Mo!: Masasarap na kainan sa Intramuros, alamin!
Tampok sa recent episode ng Dapat Alam Mo! ang masasarap na mga kainan na matatagpuan sa Walled City sa Maynila, o ang Intramuros.
Napanood din sa naturang episode ang magkakaibigan na content creators na sina Pocha, Chardie B., at Ms. Deliciousness, o ang DePoCha, at sinubukan nila ang mga unique na kainan sa Intramuros.
Una nilang pinuntahan ay ang J's Cuisine na mayroong shuttle service. Ang kainan na ito ay mayroong sundo, kain, hatid service na limited sa loob ng Intramuros ngunit libre ito para sa kanilang customers.
Nagsimula ang shuttle service ng J's Cuisine dahil sa mga mag-aaral. Kuwento ni Lyka Junio, ang floor manager ng nasabing kainan, “One rainy afternoon, my customers outside of J's. Hindi sila makabalik sa school nila. 'Yung owner nag-offer siya sa students na ihatid sila sa school nila para makabalik sila on time sa class nila.”
Sinubukan naman ng DePoCha ang best seller ng J's Cuisine na sizzling sisig, na nagkakahalagang P 115.
Bukod dito, nagtungo rin ang DePoCha sa restaurant na Barbara's, kung saan nananatili ang makalumang interior designs upang maramdaman ang 18th century na ambiance ng lugar.
Ayon sa report, 30 taon na mula nang magsimulang mag-offer ang Barbara's ng Filipino meals. Ang presyo naman ng kanilang buffet ay nagkakahalagang P1,200 hanggang P1,500.
Sinubukan naman dito ng DePoCha ang iba't ibang Filipino at modern dishes.
Panoorin ang masayang food adventure ng DePoCha sa Dapat Alam Mo! video na ito.
Patuloy na subaybayan ang Dapat Alam Mo! at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.