Enjoy fresh and delicious meals in 'Farm to Table'
Mapapanood sa Farm to Table ang bagong food adventure na magpapatakam sa mga food explorers.
Ngayong January 26, pupunta ang Farm to Table host na si Chef JR sa Tagaytay para bisitahin ang SVD Laudato Si' Farm. Alamin sa episode na ito ang eco-spiritual ethos at inspiring roots ng kanilang farm. Gamit ang kanilang fresh produce, maghahanda si Chef JR ng Ube-infused Bulalo at Crispy Tawilis na may game-changing secret ingredient.
Magpapatuloy ang food adventure ni Chef JR sa Kapihan ni Gunyong para tumikim ng unique local drinks pati na rin ang kanilang bold coffee infused with brandy.
Para sa Rapsa Roleta, makakasama naman ni Chef JR si Lexi Gonzales sa Legaspi Sunday Market.
Abangan ang Sunday serving ng Farm to Table ngayong January 26, 7:05 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.