Chef JR Royol features a new culinary adventure in 'Farm to Table'
Exciting na food adventure sa Bulacan ang ibabahagi ni Chef JR Royol sa Farm to Table sa April 28.
Sa Linggong ito, bibisitahin ng Kapuso chef ang family home and farm ng Sparkle teen actor na si Aidan Veneracion sa Bulacan.
Tampok sa episode na ito ang paggamit ni Chef JR ng freshly picked na pakwan para sa Sinigang na may Pakwan. Ipapakita rin sa Linggo ang recipe ng nakakatakam na Ginisang Mais. Hindi rin papahuli ang innovative dishes na Hito Sandwich at Lemon-Parsley Pan Chicken.
PHOTO SOURCE: Farm to Table
Para sa food trip ng Farm to Table, bibisita ang stars of Lilet Matias: Attorney-At-Law na sina Sharmaine Santiago and Hannah Arguelles sa Quezon City para sa seafood mukbang at coffee and pastries taste test.
Isang kaabang-abang na food adventure at food trip na naman ang mapapanood kaya tutok na sa Farm to Table ngayong Linggo (April 21), 7:15 pm sa GTV.
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.