'My Love From the Star,' na-miss ng Pinoy viewers
Nagbabalik sa Philippine television ang hit Korean fantasy-romance comedy series na My Love From the Star.
Ngayong Lunes, February 3, nagsimula nang mapanood sa GTV ang serye, kung saan tampok ang Korean stars na sina Kim Soo-hyun at Jun Ji-hyun.
Napapanood sila rito bilang sina Matteo Do (Kim Soo-hyun), ang heartthrob na alien at ang artistang si Steffi Cheon (Jun Ji-hyun).
Sa social media posts ng GMA The Heart of Asia, napa-react ang ilang Pinoy viewers at netizens sa pagbabalik nina Matteo Do at Steffi Cheon.
Narito ang ilang sa kanilang naging reaksyon:
Samantala, napapanood din dito ang Korean stars na sina Park Hae-jin, Yoo In-na, Ahn Jae-hyun, Shin Sung-rook, at marami pang iba.
Matatandaang unang ipinalabas sa South Korea ang My Love From the Star noong 2013. Nagkaroon din ito ng Philippine adaptation noong 2017 na pinagbidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
Mapapanood ang My Love From the Star Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. sa GTV.
Related gallery: Pinoy celebs and their Korean star look-alikes