Wedding > reception

LOOK: Yearbook write-ups ng mga sikat

Feb 19, 2023 17:33 pm

Ano'ng klaseng estudyante noon ang sikat na celebrities ngayon?

Ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza, na sumikat sa hit segment na "Kalyeserye" ng 'Eat Bulaga' noong 2015, dating mag-aaral sa St. Paul College-Bulacan.

Base sa kanyang yearbook, hinahangaan ang 'Eat Bulaga' host noon pa man at tinawag pang 'head turner.'

Samantala, hindi matatawaran ang popularidad ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Hindi na mabilang ang serye na kinabilangan nito na certified high-rating tulad na lang ng MariMar (2007), Dyesebel (2008), at Darna (2009).

Base sa college yearbook ng asawa ni Dingdong Dantes noon sa DLSU-Dasmariñas, isinalarawan si Marian na “a face that could launch a thousand ships.”

Nag-aaral pa man, tila destined for show business si “Miss Showbiz” herself na si Kristina Bernadette Aquino-Cojuanco o ang nag-iisang 'Queen of All Media' na si Kris Aquino.

Alumna si Kris ng Colegio de San Agustin sa Makati City.

Balikan ang buhay estudyante ng mga paborito ninyong artista sa pagsilip sa kanilang yearbook sa gallery na ito!

Photo by: @carlaangeline (IG)