BY: Katy Perez  
MONDAY MANAGEMENT
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Fan Question: Hello, Katy! I’m Francine, high school student pa lang po. May problema po ako. Kasi po, malapit na po ang prom namin. May date na naman po ako, pero ang inaalala ko, eh ‘yung dress ko po. Sabi kasi ni Mama, sa ukay-ukay na lang daw po kami hahanap, eh ‘di po ba nakakahiya ‘pag dun? ‘Yung mga classmates ko po kasi, I’m sure, magpapatahi pa po sila. Masyado po ba akong naiinsecure? – Nagtatanong, Francine_Gypsy16

 
Hello Francine_Gypsy16,
To tell you honestly, hindi ka dapat mahiya kahit sa ukay-ukay lang bibilhin ang dress mo. Ang importante ay ‘yung nagdadala. Saka I’m sure you can add some designs and other accessories para mas gumanda pa ‘yung wear mo. Or… you could take the simple route. Baka naman maganda ‘yung bibilhin niyo sa ukay-ukay. Minsan kasi, mas maganda ‘yung mas simple. Believe me, Francine, you will enjoy your prom. May dress ka na, may supportive mom ka na… and may date ka pa. OMG! I’m sure he’s a cutie. Anyway, good luck sa event, and always remember that poise is priceless. Ta-ta! 
 
Love, 
Katy
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Fan Question: Hi, Katy. Andrea here! Sobrang fan na fan talaga ako ng blog mo. As in, binabasa ko talaga siya every day dahil sa mga tips and other stuff. Pero tanong ko lang, Katy, masama ba’ng ma-in-love sa isang guy na older sa ‘yo? Like, mga… 6 years ang tanda niya sa ‘kin. We’re both in our 20s na. Ang sweet niya kasi eh. ‘Yun nga lang, kinakabahan ako kasi baka tuksuhin ako ng friends ko. Ano’ng sasabihin ko sa kanila? – Confused, Andrea1993

 
Hello Andrea1993,
Super thank you for being my fan! Grabe, as in nakakataba naman ‘yan ng puso! Anyway, let’s solve your problem. Actually, wala namang masama sa sitwasyon mo. Siguro naman, you’re both working na. Tapos na ang studies niyo so I guess wala nang kaso ang age gap. ‘Di ba nga, laging sinasabi nila, age doesn’t matter. So, hayaan mo lang ‘yung mga nanunukso. I-explain mo lang sa friends mo na, love mo talaga si kuya, este… si older guy. Okay? Just stay in love, Andrea. Mwah!
 
Love, 
Katy
Page 9 of 27