W.W.K.D. What Would Katy Do?
MON | FEB
16
Fan Question: Gandang Morning Katy! I'm Lora. Please, help me. May guy na nag-aya sakin lumabas. Cute siya at mukhang mabait naman. Nakapag-sabi na ako ng OO as in yes! Payag akong makipagdate pero ngayon natatakot ako. Hindi sa kanya. Kasi first time kong makipag-date at wala akong idea. Kinakabahan ako na nae-excite. Parang gusto ko nang magback out! Anong gagawin ko Katy? – lora_pinkbutterfly15
Dearest Lora,
Well, normal lang na kabahan ka sa first date mo. Ako rin dati. Feeling ko lahat naman tayo nate-tense kapag first date na ang pinag-uusapan at siyempre pati si guy na makaka-date mo. I'm sure kabado rin siya. Pero bago ka mag-back out, tanong ko lang... gusto mo ba si guy? Kung yes, gora! Because this is your chance to know more about him. Kahit nasa park lang kayo o sa mall habang palakad-lakad, you can talk about your hobbies, favorite food, dreams and more. Malay mo Lora, siya pala ang nakatakda para sa iyo. And remember, second chances are rare. So, use your first chance wisely. Okay?
Love you much,
Katy