BY: Katy Perez  
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Fan Question: Good day, Katy! Ako po si Kimmy, 18 years old. Ano ba’ng magandang reconciliation gift? Last year kasi, nakaaway ko ang best friend ko. We haven’t spoken to each other for months. Then, nalaman ko’ng aalis na pala siya papuntang Singapore. Baka nga  matagal na bago ulit kami magkita, kaya naisip ko na makipagbati na. Sana pansinin niya pa ako. Hoping pa rin.

Hello Kimmy,
Aww… na-touch naman ako sa message mo! Kahit nagkaaway pa kayo ng best friend mo, naisip mo pa rin na bigyan siya ng gift. Ganyan din naman ang gagawin ko, if ever ako ang may nakaaway. Anyway, think of a special thing na related sa friendship niyo. Example, mahilig ba kayong tumambay sa coffee shops? Pwede mo siyang bilhan ng coffee, with a special note saying “Miss you much, siszum!” O ‘di ba? Sweet! I’m sure mapapatawad ka niya. And good luck din sa friendship niyo. Sana magtagal, kahit malayo kayo sa isa’t-isa.
 
Love you much,
Katy
WEDNESDAY WISH
TUESDAY THESAURUS
Page 3 of 27