BY: Katy Perez  
CHAPTER 7 A Road Trip To Happiness
PART 2

Pagdating namin sa place. Na-intriga ako sa surprise sa akin ni Hiro. Paano naman, may nalalaman pa kasing blindfold itong si Hiro. Pero inaamin ko, I was also excited.

 “Hiro, ano ba ‘to? Saan mo ba ‘ko dadalhin?” Tanong ko.

“ Hindi ba, sabi ko sa ‘yo… I’ll help you conquer your fear.” Sagot niya.

I felt scared. OMG! Tama ba ang dinig ko? Fear?!

“Hala! Wala namang ganyanan! Ano’ng binabalak mo?”, pasigaw kong tanong kay Hiro.

My knees were shaking. Lalo na nang tinatanggal na ni Hiro ang blindfold ko! And to my surprise… Nasa taas kami ng light house!!!

“Oh my! Ayoko dito! Umalis na tayo, Hiro! You know I’m afraid of heights…”, sigaw ko.

But Hiro took my hand and he looked at me.

“Don’t panic…’di ba, sabi ko naman sa ‘yo… I will always be here… Kapag pagod ka, mayroon kang masasandalan. Kapag natumba ka, may sasalo sa ‘yo. Kapag malungkot ka, may magpapangiti sa ‘yo. At kapag natatakot, may magpo-protekta sa ‘yo.”, Hiro said while he was looking at me.

Oh, my God, Hiro… That’s the most beautiful thing I’ve ever heard in my entire life. I’m very touched…

“Thank you, Hiro… Ako din, I will always be here for you. Pero sorry talaga… Kinakabahan lang talaga ako ngayon. Hindi talaga ‘ko sanay sa matataas na lugar! Ba’t mo ba kasi ako dinala dito?”, I asked.

“Gusto ko kasing ipakita sa ‘yo ito.” Sabi niya, sabay turo sa view mula sa itaas ng light house.

It was breathtakingly beautiful, and I was speechless habang pinagmamasdan ko ang kamangha-manghang tanawin.

Dagdag pa ni Hiro, “Kung hahayaan mo ang sarili mo na palagi na lang matakot… hindi mo makikita ang lahat ng ito.“

At tama siya. Unti-unting nagbabago ang kulay ng langit. Parang isang painting na gumagalaw. It was a scene of a perfect sunset I had always read about in books.

Then, at that moment, I realized na hindi na ‘ko takot sa heights.

Hinarap ko si Hiro at nagpasalamat ako…

“Thanks, Hiro… thank you for bringing me here… Kung hindi dahil sa ‘yo… kung hindi mo ‘ko pinush na labanan ang takot ko, hindi ko makikita ang magandang view na ‘to.”

Ngumiti lang si Hiro. Hinawakan niya ang mga kamay ko at sabay naming pinagmasdan ang paglubog ng araw. It was so romantic. The view was great. I didn’t want the moment to end. Pero hindi pa pala tapos ang mga surprise ni Hiro.

May kinuha siya sa bulsa niya and when I looked at it, bracelet ang hawak niya. Isinuot niya iyon sa kamay ko.

“Eto ang prize mo dahil na-conquer mo ang fear mo. Ipapaalala nito sa ‘yo na hindi ka na dapat matakot. Hangga’t magkasama tayo… ang imposible, gagawin kong posible. Ganun ka ka-importante sa akin.”

Oh, Hiro… napaka-romantic mo talaga.

“Thank you, Hiro”, sabi ko sa kanya.

 Halos maiyak ako sa gesture ni Hiro. And because of so much happiness, napayakap ako sa kanya! Now I know, with Hiro by my side, I will never feel alone.

CHAPTER 6 A Road Trip To Happiness
PART 1

Sabi nila, “Friendship is the greatest treasure in your life”… And right now, I can’t stop crying.

Sa totoo lang, this is one of the saddest days of my life. Ngayong araw kasi umalis ang best friend ko papuntang London. And I don’t know when she’ll be back. Alam ko na magtatawanan naman kami at magkakausap sa phone or Skype. Pero iba pa rin kung nandito siya…

Habang pinagmamasdan ko ang picture namin ni Belle, patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

“I will really miss her. “

Suddenly, may pumunas sa mga luha ko- si Hiro.

“Don’t worry , Katy… Whatever happens, I will never leave you”, sabi niya sa akin.

Napakaamo talaga ng mukha ni Hiro. He’s the only person nakakapagngiti sa akin, kahit sobrang lungkot ko pa.

“Thank you, Hiro…” sambit ko habang nakatitig sa kanya.

“Halika... I’ll take you somewhere para makalimutan mo ang mga problema mo”, Hiro said.

Then he grabbed my hand and led me to his expensive car, parked near the area. He really knows how to make me feel good. Kahit wala na ang bestfriend ko, nabawasan ang lungkot ko dahil nandito naman siya…

He opened the car door for me. It’s just a small gesture. Pero ganyan talaga si Hiro. A true gentleman… My Hiro. I know, that he will always be here for me…

At kahit hindi ako fan ng road trips, nakikita ko na nag-eeffort si Hiro na pasayahin ako. Kaya naman, ako pa bang choosy? Pero hindi ko pa rin ma-erase ang sadness ko at alam ko, ramdam din iyon ni Hiro.

Dahan-dahan, inihilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Napapikit ako. I can smell his sweat. It smells like perfume. Ang bango talaga ni Hiro…

And all throughout the ride, nakasandal lang ako sa balikat niya. Then I realized I’m feeling much better.

To be Continued… 

CHAPTER 5 Now That I Found You
First date with my first love. Last night, I was so excited for this big day. Ang dami kong iniisip na places kung saan ako pwedeng dalhin ng Hiro ko. Sa park kaya? Sa zoo? Sa carnival? Sa breakwater? Sa movie house? My thoughts were flying, thinking a lot of possibilities. But guess where he brought me…
 
Sa Church!
 
Gosh, as in nakakakilig talaga! It may be old-fashioned to some, but for me, the thought of a guy bringing his girl to a special and sacred place is so romantic and magical. It makes you think na ikaw na talaga ang huling babae sa buhay ng guy na ‘to. It means you are for keeps!
 
We lighted candles near the altar, and closed our eyes as we started to pray together. Kahit Queen Bee, nagdarasal din. Marami kaming pinag-usapan ni God, pero mas marami yata silang concerns ni Hiro. Tapos na ako, pero nakapikit pa rin siya. Ang sarap niyang pagmasdan. Napaka-angelic ng mukha. Parang isa sa mga soldiers ni God. Sigh. Thank you po for giving him to me.
 
“Baka matunaw ako na parang kandila, ha?”, Hiro suddenly speaks.
 
Oh my! Nahuli na naman niya akong nakatitig sa kanya. Partida, nakapikit pa ‘yan, ha. Ang lakas ng pakiramdam niya. Siyempre, kunwari hindi ako nakatingin. Denial mode… on!
 
“Hindi kaya ‘ko nakatingin sa ‘yo!”, defense ko.
 
Hiro opens his eyes and teases me with a smile.
 
“Bawal magsinungaling. Nasa simbahan tayo.”
 
Fine. Ang bilis niyang mag-guilt trip. Denial mode… off!
 
“Okay, I might have peeked. Pero slight lang.” Umamin na ‘ko. At least I became honest at the end.
 
“Pwede ko ba’ng itanong kung ano pinagdasal mo?”, Hiro asked, to which I replied “Dati, lagi akong may hinihingi pag nagpe-pray ako. This time, iba naman. Nag-Thank You ako sa Kanya, kasi pinadala na Niya sa akin ang The One for me. Ikaw? Ano pinagdasal mo?”
 
Hiro smiled, and said “Nag-pray ako na sana lagi akong malakas at healthy… para maalagaan kita at maprotektahan – bawat minuto ng bawat oras ng bawat araw.”
 
How sweet of him. In short… he’s going to love me… 24/7. Sobra-sobrang blessings na ‘to. We then smiled at each other as we held hands. Sabay kaming lumabas ng simbahan, and as we reached the entrance door… we stopped and stared at each other.
 
Akala ko dati, masaya na ako dahil isa akong queen bee. But now I realize, hindi ko na kailangan ang popularty o ang glamorous lifestyle. Everything that will make me happy is now in front of me.
 
“Katy, look!”, sigaw ni Hiro sabay turo sa taas. As we looked above, rose petals rained from heaven. We were overwhelmed with the feeling, that’s why we can’t help but hug each other so tight. Parang sinasabi ng langit na miracle ang pagsasama namin ni Hiro. This is indeed, God’s gift.
 
To be continued… 
Page 25 of 27