BY: Katy Perez  
Katy Perez thinks of deleting her…
CHAPTER 12 Here Comes Goodbye
Nang gabing iyon, nakipagkita ako kay Hiro sa soccer field. I want to know the truth. But, right now… it’s like I’m standing next to a stranger. Hindi ako matitigan ni Hiro sa mga mata at mas lalo lang niya akong sinasaktan sa ginagawa niya.
 
“Totoo ba yung sinasabi nila, Hiro? Niloko mo lang ako?” I asked.
 
Then, Hiro looked at me and he spoke.
 
“Katy, I’m sorry. Ginawa ko ‘yon kasi noon pa kita gustong makilala. Katy, I Iove---”
 
“No, Hiro. If you love me… Hindi mo 'ko lolokohin nang ganito. Everything I knew about you… everything we shared… lahat ‘yon fake! Lies!” I said roughly.
 
Hindi ko na rin napigilan pa ang mga luha ko.
 
“No, Katy,” Hiro whispered.
 
He stepped forward and reached for me. But I heard what I needed to hear. I felt betrayed. Akala ko nakita ko na ang soulmate ko, hindi pala!
 
So bago pa siya makalapit sa akin, umalis na ako! Tumakbo ako palayo kay Hiro. Sinubukan niya akong pigilan pero tumigil siya sa pagtakbo. Saka na-realize ko na nahulog ko pala ang scarf ko.
 
Huminto na rin ako sa pagtakbo. Nang tingnan ko si Hiro, nakatingin pala siya sa akin. Hawak niya ang red scarf ko. For a moment, we just stood there. 
 
Though I can’t see Hiro’s face clearly, gusto ko pa ring malaman, kung malungkot din ba siya kagaya ko. But I guess, it’s too late. We used to be really, really close… Hiro. And right now, napakalayo na natin sa isa’t-isa.
 
“Goodbye, Hiro!”
CHAPTER 11 The Sad Truth
When I entered the classroom, I noticed something, lalo na nang salubungin ako ng friends ko. Hindi ko maipaliwanag pero… parang may mali. Why have they got such a long face? Lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ko, si Emerson.
 
“Hi, Katy,” bati niya sa akin.
 
I wonder… bakit ang sad ng boses niya? Pero nang tingnan ko ang upuan ni Hiro, bigla akong kinabahan.
 
“Where’s Hiro? ”, I asked worriedly.
 
Si Emerson ang naglakas loob na sagutin ang tanong ko.
 
“Na-kick out siya Katy,” sagot niya sa akin.
 
Na-kick out daw si Hiro? This can’t be. Is this for real?
 
“Nalaman ng school na fake yung documents na ginamit niya para mag-enroll dito. Ginawa daw niya ‘yon para makalapit sa’yo,” Emerson explained.
 
But no way!
 
“Si Hiro?! Fake?! No?! No?! No?!” sabi ko sa kanila.
 
I felt devastated. Tears welled up in my eyes. Tapos, nakialam pa ang Geeky Classmate ko na si Molly at ang best friend niyang si Clumsy Chelsea na may dalang flask of water.
 
“Yes! Fake as in untrue. False. Bogus. Isa siyang sociopathic stalker na nagkagusto sa ‘yo. And too bad… kasi wala ka nang knight-in-shining-armor, Katy! Wala nang pipigil kung buhusan ka naming ng Erlenmeyer flask of H2O,” they mocked.
 
Pero bago pa maibuhos ni Chelsea ang tubig sa ulo ko, natisod siya at tumapon ‘yung tubig diretso sa mukha niya.
 
But still, this isn’t the right time to laugh or smile! Lalo lang akong naiyak!
 
“Stop it! Please… Molly, Chelsea! Tama na!” I begged them.
 
Pero pinagtawanan lang ako nila Molly at Chelsea, habang sympathetic na nakatingin lang sina Emerson sa akin. What will I do now? Hiro… bakit ka nagsinungaling?
 
To be continued…
Page 21 of 27