BY: Katy Perez  
CHAPTER 17 Distance Between Us
I never realized na big deal pala ang pakikipag-ugnayan ni Hiro sa akin. Kaya pala hindi niya ipinakilala ang sarili niya sa akin bilang Prince before. He knows that this will happen. Wala akong kamalay-malay na ganito ang mangyayari…
 
Pasakay na si Hiro sa limousine kasama ang parents niya. Suddenly, cameras and lights were everywhere. Nagsidagsaan na ang reporters. 
 
“Totoo po bang nagkagusto ang Prince sa isang commoner na Pinay?” tanong ng isang reporter. 
 
“Kilala n’yo po ba kung sino?” tanong pa ng isa.
 
“Boto po ba kayo Duke? Duchess?” dagdag pa ng isang reporter. 
 
At hindi doon nagtapos ang pagtatanong nila kay Hiro. Hindi sila naubusan ng questions. But neither Hiro nor his parents remained silent and made no answer. Saka nagsalita si Rosanna.
 
“The Duke and Duchess will answer to relevant topics only, I’m sorry,” Rosanna implied.
 
Pero makulit ang mga reporter. Parang wala silang narinig. Tuloy pa rin sila sa pagtatanong kay Hiro. 
 
Nakasilip lang ako sa kanila. Pero nakita ako ni Hiro at tinawag niya ako.
 
“Katy…”
 
Humakbang si Hiro papunta sa kinatatayuan ko. Pero bago pa kami magkalapit, pinigilan kami ni Emilio at ng mga bodyguard ni Hiro.
 
“Wait! Gusto kong makausap si Katy… Katy!” sigaw ni Hiro.
 
Wala akong nagawa. Sapilitang ipinasok si Hiro ng mga bodyguard niya sa limo. Saka sila umalis. 
 
Then, tears welled up in my eyes. And just like that, the gap between the Queen Bee and the Prince widened even more. Alam kong nariyan lang siya… pero pakiramdam ko, hindi ko na siya maabot. Pakiramdam ko, ang layo-layo na namin sa isa’t-isa. 
 
To be continued…
CHAPTER 16 Meet the Parents
Dinala ako ni Rosanna at Emil sa isang room para mag-dinner. The dining room looked very elegant and stylish. Parang feast ang nakahain sa mahabang glass table. Sa gilid, naka-hilera naman ang maids at butlers. Then, I saw a huge painting on the wall… si Hiro at ang parents niya. 
 
I’m not sure kung naihanda ko ang sarili ko sa gabing ito. But one thing is for sure, I’m excited to meet Hiro’s parents, the Duke and Duchess of Amorea…
 
Akala ko, sa fairy tales ko lang mababasa ang mga ganitong eksena. Hindi pala. It also happens in real life. And in real life, real din ang concerns.
 
Nang makaharap ko na sila… as a lady, I curtsied to show respect…
 
“I am honoured to meet you both, Sir… Ma’am,” bati ko sa kanila pero…
 
“Address us properly, hija. We are the Duke and the Duchess!” the Duchess exclaimed.
 
OMG! Ang taray ng boses ng nanay ni Hiro. But she’s right. My mistake. Hindi dapat Ma’am, Sir.
 
“Oh, I’m sorry, my Duke and Duchess,” I said in an apologetic tone. 
 
Then, Hiro’s parents looked at me sternly. Grabe! Nakaka-tense! I don’t know… but for the first time, habang kaharap ko ang parents ni Hiro, kinabahan ako. I mean, it’s not like me to be nervous. I usually know what to do in front of people… Pero with them, I didn’t know what to do… or even what to say.
 
Suddenly the duke spoke…
 
“Pasensya ka na, hija. We don’t usually invite commoners para kumain kasabay namin.”
 
Commoner? Ouch... From being a queen bee to just being a “commoner.” Pero hindi pa tapos ang Duke, dahil may karugtong pa iyong sinabi niya…
 
“Labag sa tradisyon namin ang makipagkaibigan at makipagmabutihan ang isang royal sa mga commoner na katulad mo. Hindi ko nga alam kung bakit inimbitahan ka rito ng anak ko,” the Duke continued.
 
Even the Duchess had something to say…
 
“Mabuti nang magkaintindihan na tayo ngayon pa lang… If you think may future kayo ni Hiro, nagkakamali ka. Ang Royal ay bagay lang sa isa pang Royal!” the Duchess exclaimed! 
 
Bigla akong nanliit sa sarili ko. Para akong yelo na unti-unting natutunaw… Sana nilamon na lang ako ng lupa! Pero honestly, tama sila. Langit at lupa ang agwat namin ni Hiro. Parang Romeo and Juliet lang. Ibig bang sabihin, magkakaroon din kami ng “Sad Ending”?
CHAPTER 15 Missing You
Ganito pala ang feeling...
 
For the first time, Hiro invited me to their house. And I was surprised kung paano nila salubungin ang mga bisita nila. This is what you call Royal Treatment. ‘Yung napapanood ko dati sa TV, ngayon nasa harapan ko na. Grabe! Ang dami pala talagang maids at butlers nila Hiro. Pero bigla akong kinabahan nang lapitan ako ng isang ginang…
 
“Good day! Miss Katy… I’m Rosanna, the executive secretary of the Duke of Amorea,” bati niya sa akin.
 
Executive Secretary pala siya. Akala ko noong una, royal tita ni Hiro. I smiled at her. Mukha naman siyang mabait… and I think, magkakasundo kaming dalawa.
 
“Ipinagbilin po kayo ni Prince Hiro sa amin…Alagaan daw po namin kayong mabuti,” she said.
 
Kahit kailan, ang sweet talaga ni Hiro. Pero, wait…
 
“Where’s Hiro?” I asked.
 
But then, before she could answer, a man in a black suit came. Parang 007 lang na may suot na earpiece. His name was Emilio. Siya ang head ng security nila Hiro.
 
“The Queen Bee has arrived…” he said as he reached up to his earpiece.
 
Saka siya lumapit sa akin.
 
“Miss Katy, may ipinaaabot sa inyo si Prince Hiro,” sabi niya sa akin, sabay abot ng isang sulat.
 
I reached out for the letter and said, “Thank you.”
 
Feeling ko may something kina Rosanna at Emilio, parang kami lang ni Hiro. Tahimik lang sila habang binubuksan ko ang letter, pero malakas ang kutob ko na sila.
 
Anyway, I opened the letter and read silently…
 
“I am still attending some royal duties…Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa kanila… I have instructed them to give you everything you need. I’ll be there soon… see you, my love…”
 
I know, I should be happy… but I felt sad. I guess, I just really miss him.
 
That day, I waited for Hiro. Halos nalibot ko na ata ang buong mansion sa kakahintay sa kanya. Pero…
 
“It’s almost midnight… Where are you Hiro? Dumating ka na please.” 
 
To be continued…
Page 19 of 27