Merry Christmas, Siszums and Dreamboys!
THU | DEC
25
25
My Christmas Wish
WED | DEC
24
24
CHAPTER 18 A Parent's Love
TUE | DEC
23
23
That night, I waited for Hiro sa park. Natakot ako na baka hindi siya dumating. Pero nang makita ko sina Emilio at Rosanna, nawala ang kaba ko. Lalo na nang maaninag ko ang mukha ni Hiro! Hindi niya ako binigo, dumating siya! I ran to Hiro and threw my arms around him. Niyakap ko siya ng mahigpit!
“Akala ko, hindi ka na darating,” I whispered.
“Magpasalamat tayo kina Rosanna at Emilio. Tinulungan nila ‘ko makatakas sa royal mansion,” Hiro explained.
Pero sa sinabi niyang iyon, bumalik ang kaba sa dibdib ko.
“Hanggang kailan tayo magtatago nang ganito, Hiro? Nahihirapan na ako. I will never be good enough for your parents dahil commoner lang ako. At hindi tayo bagay dahil dugong royalty ka,” sabi ko sa kanya.
Pero bago pa makasagot si Hiro, Rosanna spoke!
“Hindi, Katy... Nagkakamali ka. Hindi royal blooded si Hiro!” sabi ni Rosanna.
Hiro and I were both shocked.
“What do you mean, Rosanna?” Hiro asked.
Then, Emilio stepped forward and answered.
“Hindi mo tunay na magulang ang Duke at Duchess. Inampon ka lang nila at pinalabas na tunay nilang anak,” paliwanag ni Emilio.
“Alam namin ito ni Emilio... dahil kami ang tunay mong mga magulang,” dagdag pa ni Rosanna.
Suddenly, Rosanna fell down on her knees and began to cry.
I looked at Hiro… he was completely overwhelmed. But, Rosanna spoke once more.
“Sakitin ka noon, Hiro. Walang-wala kami ni Emilio, kaya napilitan kaming ipaampon ka. Dahil gusto naming iligtas ang buhay mo… gusto naming magkaroon ka ng magandang kinabukasan,” Rosanna sobbed weakly.
“Ayaw naming malayo sa iyo kaya pumasok kami bilang mga tagasilbi sa mga nag-ampon sa iyo!” sabi pa ni Emilio.
“Sa ganung paraan, kahit hindi mo kami tinatawag na nanay at tatay, napaparamdam pa rin namin sa iyo na mahal ka namin,” Rosanna continued.
Then, tears flooded out of Hiro’s eyes and he smiled…
“Kaya po pala ang bait-bait ninyong dalawa sa akin. Kayo po pala ang tunay kong mga magulang,” Hiro said.
Emilio and Rosanna’s tearful eyes brightened up upon seeing Hiro’s sweet smile. Lumapit si Hiro sa kanila… and the three wrapped each other’s arms in asincere hug.
I am so happy for Hiro. Finally, he’s reunited with his real parents… Akala ko, matindi na yung hirap ko na pinaglalayo kami ni Hiro. Pero mas matindi pala ang pinagdadaanan ng real parents niya. Katabi nila siya at kasama araw-araw, pero parang ang layo-layo pa rin nila. Pero tama ang sabi ni Hiro... love will find a way. And I’m really happy na nabuo na sa wakas ang pamilya nila.
To be continued…