BY: Katy Perez  
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Hi Katy! Pasensya ka na, papatulong sana ako. Kasi noong high school, nagka-boyfriend ako. Pero after ng graduation namin, nakipag-break ako sa kanya. Kinailangan ko kasing lumuwas ng Manila para mag-aral ng college at naiwan siya sa probinsya namin. After ng break up namin, hindi na niya ako kinausap kahit kailan. Wala na rin akong balita sa kanya. Hindi na rin ako nagka-boyfriend. Pero after 2 years, nakita ko siya ulit. Lumipat siya sa school namin. Last time, nagkausap kami, pero hi and hello lang. Kaasar! Aaminin ko, may feelings pa rin ako sa kanya. Pero nakita ko siya na may kasamang ibang babae. Akala ko girlfriend niya, pero sabi ng classmate niya, hindi raw. Tingin mo Katy, chance ko na ito para makipagbalikan sa kanya? Pero, paano kung -ireject niya ako?! Kasi feeling ko galit pa rin siya sa akin. Anong dapat kong gawin Katy?--- Snowfairy13

 
Hi there, Snowfairy13 
Alam mo parang napanood ko na sine ang eksena niyo ng ex mo. Una sa lahat, hindi kita masisi kung mas pinili mo dati na makipagbreak sa kanya. Pero ang answer ko for your first question is, Yes! Chance mo na nga ito girl! Ang dami- daming school sa Manila sa school mo pa lumipat? 'Di ba? Kausapin mo siya, mag-sorry ka. Sabihin mo lang ang mga gusto mong sabihin sa kanya. Pero dapat naka-ready ka sa mga sasabihin niya sa iyo at kung i-reject ka niya. Okay lang iyan, dahil if he really really loves you tatanggapin ka niya ulit. So. go for it! Good luck!
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Fan Question: Hello po, Ms. Katy. Hingi lang po sana ako ng advice. Kasi, problem ko, lately, feeling ko nagkakagusto na po ako sa guy best friend ko. Friends po kami since 10 years old, and ngayon ko lang po naramdaman ‘yung ganito. Ano po’ng gagawin ko? Natatakot naman po akong sabihin, baka masira ang friendship namin. Sana po makatulong kayo. Thank you po. – From, PollyLane

 
Hello PollyLane,
 
OMG! Nakakakilig naman ‘yan, siszum! Alam mo, pakiramdaman mo muna ‘yung guy friend mo. Siguro naman he’s sensitive and understanding enough ‘pag nag-decide ka nang i-confess ang feelings mo. My advice is, sabihin mo sa kanya. You wouldn’t want to regret na hindi mo nasabi, right? When you grow old, manghihinayang ka… or worse… baka maunahan ka. Malay mo, he likes you too pala. Just have courage, friend! You can do it! I believe in you!
 
Love, 
Katy
KATY SAYS...
Page 14 of 27