BY: Katy Perez  
Katy's First Date Tips
Okay girls, I know na marami sa atin ang nate-tense kapag first date na ang pinag-usapan. But no more worries! I'll give you some tips on how to rock your first dates, so you can shine!



So, what do you think girls?
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Hi Katy. Gelo, here! 22 years old, fresh grad at never pang nagka-girlfriend. Lahat ng friends ko may mga work na, ako tambay pa rin sa bahay. Loser ba ako? At iyong chick na gusto ko, natatakot akong ligawan siya. Nung college, maraming beses ko nang sinubukan na mag-confess, pero purnada palagi. Ano bang pwede kong gawin?--- Gelo

 
Hi Gelo, una sa lahat hindi ka loser at kung ako ang nasa kalagayan mo, uunahin ko muna ang paghahanap ng trabaho. Kasi kapag may work ka na, dagdag pogi points iyon sa girl na liligawan mo. At may pang gastos ka pa sa mga dates niyo. 'Di ba? Pero ang pinaka-advice ko sa iyo, dapat alamin mo muna kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo. Ano bang mga pangarap mo sa buhay? What's your ultimate goal? Dapat malinaw sa iyo iyan Gelo. Para may daan ka na susundan. I hope na kahit paano makatulong ang mga sinabi ko sa iyo. So, don't feel bad. Think positive and don't lose hope. Okay!
W.W.K.D. What Would Katy Do?
Hello po Ms. Katy! Hindi po ako pretty kagaya niyo at palagi po akong tinutukso sa school, dahil sa weight ko. Hindi po kasi ako sexy, in short mataba po ako. I'll be 14 next month at iyong mga friends ko, lahat po sila may boyfriend na. Unlike me! Ang sad sad po ng life ko! My friends told me na dapat mag-diet daw po ako. Pero hindi ko po ata kakayanin iyon. What should I do po?--- Marie

 
Dear Marie,
You know what, you remind me of myself. Actually I was also fat when I was just a little girl. Pero alam mo, hindi ako nag-diet. Ang dami kayang masasarap ng food! Sayang naman. We only get to live once. So, ang ginawa ko, I did a lot of sports. Basketball, badminton, running and my favorite, swimming! But, I'm not saying na gawin mo itong lahat. Sports are a fun way to lose weight, but you should pick a sport that you will enjoy as well. But you know what, hindi naman importante iyong panlabas na anyo. And don't get jealous kung ang mga friends mo may boyfriend na. Ayus lang iyan. Bata ka pa at ang love, hindi minamadali. Darating at darating din siya and if he's really the one, he will love you for who you are. Okay?!
Page 13 of 27