Rhian Ramos as Jane Ortega, Kris Bernal as Klaire Almazan / Carmen Villarama, Benjamin Alves as Noah Borromeo, Mark Herras as Elijah Borromeo, Carla Martinez as Sarah Borromeo
Ang Artikulo 247 ay isang naiibang mukha ng drama na tatalakay sa kuwento ng isang babaeng iniwan ang masalimuot niyang nakaraan upang magbagong buhay at ng isang babaeng may madilim na pagkatao na itinatago niya sa likod ng kanyang kagandahan.
Ang kanilang mga nakaraan pilit man nilang takasan ay pagtatagpuin pa rin ng kanilang buhay sa hinaharap.
Ano ang bagay nag-uugnay sa kanilang dalawa? Anong hatol ng batas ang magpapalaya sa kanila?
Ang Artikulo 247 ay pinangungunahan nina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, First Vice President for Drama Productions Redgie A. Magno, Senior Assistant Vice President for Drama Productions Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager Camille Hafezan, at Executive Producer Mavic Tagbo.
Ang istorya at konsepto ay binuo mula sa malikhaing pag-iisip nina Creative Director Aloy Adlawan, Creative Head Dode Cruz, Head Writer, Des Garbes-Severino, kasama ang iba pang manunulat na sina Benson Logronio, Jmee Katanyag, Brylle Tabora, Brainstormer Koko Joven Senior at sa direksyon ni Jorron Monroy.
Cast: Rhian Ramos as Jane Ortega, Kris Bernal as Klaire Almazan / Carmen Villarama, Benjamin Alves as Noah Borromeo, Mark Herras as Elijah Borromeo, Carla Martinez as Sarah Borromeo