Will Ashley, naramdaman ang pagiging nanay ni Marian Rivera sa 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ayon kay Sparkle star Will Ashley, nararamdaman niya na tunay na mag-ina sila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa tuwing may mabibigat silang eksena sa pelikulang ‘Balota’.

Will Ashley, naramdaman ang pagiging nanay ni Marian Rivera sa 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Ikinuwento ng Sparkle star na si Will Ashley ang kanyang karanasan na makatrabaho ang award-winning actress na si Marian Rivera sa pelikulang Balota.

Sa naganap na Kapuso Artistambayan nitong Miyerkules (September 25), ibinahagi ng 22-year-old artist na mapagbigay na co-star ang Kapuso Primetime Queen, na gumaganap bilang ang nanay niyang si Emmy sa pelikula. 

"At first, alam ni Direk Kip [Oebanda] na talagang na-starstruck ako kay Ate Yan [Marian Rivera]. Pero habang nagsu-shoot naman kami, nakita ko kay Ate Yan talaga ‘yung pagka-seryoso niya sa ginagawa niya. 

"Si Ate Yan kasi hindi siya madamot. Kumbaga kung ano ‘yung napagdaanan niya, hindi lang dito sa ginawa naming project, shine-share niya sa amin. Kumbaga tinutulungan niya kami kung ano 'yung mga dapat namin gawin, paano namin ma-e-establish ‘yung sarili namin,” kwento niya. 

Dagdag pa ni Will, nararamdaman niya ang pagiging mag-ina nila ni Marian sa tuwing mayroon silang mabibigat na eksena.

Aniya, “Kapag may eksena kaming heavy, mafi-feel mo talaga ‘yung parang, sa eksena  na ‘yon, parang talaga kaming mag-nanay. Na-feel ko rin sa kanya, kay Ate Yan. Ang saya lang na gumawa ng gano’ng eksena na nagbibigayan ‘yung magka-eksena.”

Bukod dito, ibinahagi rin ni Will na marami siyang natutunan mula sa Cinemalaya 2024 Best Actress awardee. 

Related gallery: Cinemalaya 2024 Best Actress Marian Rivera is full of gratitude

“Pinakatinuro niya sa akin is sa career ko. Kumbaga, pumili ako ng babagay sa akin at ‘yung swak talaga sa personality ko na ikakagusto ng mga tao,” anang Sparkle artist. 

Ang cast ng Balota ay binubuo nina Marian Rivera, Gardo Versoza, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Mae Paner.


Mapapanood ang Balota sa cinemas nationwide sa darating na October 16.