Marian Rivera, nagpapasalamat sa pagmamahal ng viewers sa 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Kapuso Primetime Queen Marian Rivera: “Taos pusong pasasalamat sa pagmamahal sa Balota higit lalo kay Teacher Emmy.”

Marian Rivera, nagpapasalamat sa pagmamahal ng viewers sa 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Lubos ang pasasalamat ni Marian Rivera sa mga manonood sa kanilang pagmamahal sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.

Nagsimula ang premiere ng naturang pelikula noong August 3 at umani ito ng mga papuri mula sa mga manonood. 

Sa Facebook page ni Marian, ibinahagi niya ang video kung saan makikita ang reaksyon ng mga manonood sa social media at pinasalamatan sila ng award-winning actress.

Pinuri ng viewers ang ganda ng kwento ng pelikula at husay ng acting performance ng buong cast, lalo na ang pagganap ni Marian bilang Teacher Emmy. 

“Taos pusong pasasalamat sa pagmamahal sa Balota higit lalo kay Teacher Emmy,” sulat niya sa caption. 

 

Sa panayam naman ni Aubrey Carampel, sinabi ni Marian na “sobrang priceless” ang kanyang experience sa Balota

“Sabi ko nga, ‘yung experience ko rito sa Balota, sobrang priceless. Nagpapasalamat talaga ako na nagawa ko talaga ito," sabi ng aktres. 

Bukod kay Marian Rivera, kabilang din sa cast ng Balota sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl.

Mapapanood ang Balota sa mga piling Ayala cinemas hanggang August 11. 

SILIPIN ANG NAGANAP NA GALA NIGHT NG BALOTA SA GALLERY NA ITO: