Raheel Bhyria feels blessed to be part of 2024 Cinemalaya entry 'Balota' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sparkle actor Raheel Bhyria sa pagiging bahagi ng 'Balota': “Hindi ako makapaniwala every time na naiisip ko 'yun parang… sobrang blessed ko lang na napasama ako sa Balota.”

Raheel Bhyria feels blessed to be part of 2024 Cinemalaya entry 'Balota'

By DIANNE MARIANO

Kabilang ang Sparkle star na si Raheel Bhyria sa 2024 Cinemalaya entry na Balota, na co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Raheel sa naganap na GMA Gala 2024 sa Marriott Grand Ballroom, ibinahagi niyang sobrang blessed siya na naging bahagi ng naturang pelikula.

“Hindi ako makapaniwala every time na naiisip ko 'yun na parang… sobrang blessed ko lang na napasama ako sa Balota kasi si Direk Kip [Oebanda] napakagaling, working with Ms. Marian [Rivera] ang dami ko pong natutunan. So ayun, just blessed,” pagbabahagi niya.

“Abangan n'yo po 'yon. Marami kayong aabangan do'n,” dagdag pa niya.

Noong July 10, dumalo rin si Raheel Bhyria sa press conference ng Cinemalaya 2024 kasama ang kanyang co-stars sa Balota na sina Marian Rivera, Will Ashley, Royce Cabrera, Donna Cariaga, Joel Saracho, at Sassa Gurl.

Related gallery: The cast of 'Balota' grace Cinemalaya 2024 press conference

Mapapanood ang Balota sa 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival simula August 2 hanggang August 11.