EXCLUSIVE: Michael V., nakaramdam ng separation anxiety matapos ang shooting ng 'Family History' | GMANetwork.com - Pictures - Articles

“Nami-miss ko 'yung staff and crew kahit tapos na magtrabaho, [pati ang] mga artista," saad ni Direk Michael V.

EXCLUSIVE: Michael V., nakaramdam ng separation anxiety matapos ang shooting ng 'Family History'

By AEDRIANNE ACAR

Nagagalak ang Kapuso Comedy genius Michael V. na maraming moviegoers ang na-curious sa teaser at full trailer ng pelikula niya na siya rin mismo ang nagdirek.

 

 

Family History' trailer gains positive reviews overnight!

Nag-viral ang official teaser ng Family History na may 1.2 million views na sa Facebook, samantalang ang full trailer naman nito ay nakakuha na ng 612,000 views matapos ito ma-upload nito lamang Linggo, June 16.

 

Wish ni Direk Michael V. na mag-translate ang mainit na pagtanggap ng netizens sa kanilang pelikula into ticket sales.

Wika niya, “Na-pique na natin ‘yung curiosity. Sana mag-translate doon sa ticket sales. Sana nga panoorin talaga nila kasi yun ang pangarap talaga natin na magpakita ng ganitong klaseng proyekto,”

“Para kung saka-sakali, makagawa pa ng ibang projects.”

Hindi rin maitago ni Michael V. na makaramdam ng separation anxiety matapos ang shooting nila ng Family History.

Pag-amin nito, “Nami-miss ko yung staff and crew kahit tapos na mag-trabaho, [pati ang] mga artista.”

Catch Family History, a joint project of GMA Pictures and Mic Test Entertainment, slated to premiere in cinemas nationwide this coming July 24!