#DaWho: Sino ang direktor na gumagamit ng action figures sa shoot ng isang pelikula? | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ang baguhang direktor na ito ay gumagamit ng action figures para ipaliwanag sa kanyang artista ang mga kukunan na eksena. Da who?

#DaWho: Sino ang direktor na gumagamit ng action figures sa shoot ng isang pelikula?

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang naging unique experience nila sa pagsho-shoot ng isang family drama movie na idi-direk ng isang multi-awarded TV personality.

 

Michael V.
Michael V.

 

EXCLUSIVE: Dingdong Dantes praises Michael V's directorial approach in 'Family History'

Makakasama ang BiGuel sa Family History, ang directorial film debut ni three-time Asian TV Best Comedy Actor Michael V.

Ang naturang pelikula ay joint project ng GMA Pictures at production company na Mic Test Entertainment na itinayo ng mag-asawang Michael V at Carol Bunagan.

Sa isang exclusive interview with Miguel Tanfelix and Bianca Umali, sinabi ng dalawa na excited sila na gawin ang naturang proyekto.

Ani Miguel, “Pero mas nagulat ako na gawa pala niya 'tsaka idi-direk niya ‘yung movie. Lumikot agad ‘yung imagination ko parang pag gawa ito ni Direk Bitoy for sure creative ito.”

Humanga din ang Sahaya actress sa creativity ng kanilang direktor na gumagamit ng action figures para ipaliwanag ang mga kukunan na eksena.

“We (Miguel) are both happy to be part of his first film, sobrang visual and sobrang detalyado ni Direk Bitoy. He actually has a miniature studio tapos ang dami po niyang action figures. ‘Yun tapos nakalagay dun kung ano ‘yung shots niya at kung ano ‘yung magiging itsura nung scenes,” saad ni Bianca.

Napili din na mapasama sa flagship movie na ito ni Michael V, ang versatile actress na si Ina Feleo.

Naniniwala ang anak ng batikang director na si Ms. Laurice Guillen na “long overdue” na ang ganitong klaseng project para sa Kapuso comedy genius.

Aniya, “I feel like long overdue, hindi ako nagulat, pero natuwa ako na finally magdi-direk na siya kasi feeling ko naman like super creative niya. Nagsusulat pa siya.

“More or less ‘yung visions niya nae-excute, so parang ‘yun na lang ang kulang... na siya talaga ‘yung mag-direk,”