Transcript: My Lady Boss Q&A Podcast | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Richard Gutierrez and Marian Rivera excitedly sat down for the recording of the My Lady Boss Q&A podcast last June 20, 2013 where they had the chance to answer a few fan questions. Find out what they have to say about their roles, their working relationship with the rest of the cast and everything else in between through this transcript.

Transcript: My Lady Boss Q&A Podcast

Richard Gutierrez and Marian Rivera excitedly sat down for the recording of the My Lady Boss Q&A podcast last June 20, 2013 where they had the chance to answer a few fan questions. Find out what they have to say about their roles, their working relationship with the rest of the cast and everything else in between through this transcript. Photos by Bochic Estrada


On 'My Lady Boss'

Question: Bibisita po ba kayo sa mga sinehan kapag ipinalabas ang My Lady Boss?

MARIAN: "Alam mo, oo, baka sakaling bumisita kami para naman personal kaming magpagsalamat sa lahat ng mga nag-effort at sumuporta sa amin sa My Lady Boss. Kung saang sinehan? Surprise!!!"

Question: Ano po ba ang pakiramdam na makatrabaho ang isang Marian Rivera at isang Richard Gutierrez together in one movie?

RICHARD: "Masarap ang pakiramdam na makatrabaho ulit si Yan-yan dahil nga after ng pelikula naming My Best Friend's Girlfriend ay ang tagal naming di nagkasama; at ngayon finally ay nakagawa kami ng isang pelikula and its always a pleasure working with Marian."

MARIAN: "Hindi naging mahirap para sa akin na [makatrabaho] si Chard lalo na noong una naming pelikula. Siguro kahit ang tagal na naming hindi nagkaroon ng project together, nandoon pa rin ‘yung pagiging magkaibigan namin at nagkakaintindihan kami sa bawat ginagawa namin, at malaki ang respeto namin sa isat-isa at ‘yun ang mahalaga sa akin."

Question: Hi Evelyn and Zach! Ilang kissing scenes po ang ginawa niyo? Kaka-kilig!!!

MARIAN: "Ilan ba?"

RICHARD: "Hindi ko mabilang eh."

MARIAN: "Nahiya naman ako bigla."

RICHARD: "Ilan daw!? Hindi ko na mabilang eh. Abangan mo na lang sa movie."

MARIAN: "Pero salamat at kinikilig ka. Manood ka, at siguradong mas kikiligin ka."

Question: Ano ang maituturing niyo na pinakanakakakilig na moment ninyo sa My Lady Boss?

MARIAN: "Ako siguro, ang mga pinaka nakakakilig na moment para sa akin ay ‘yung depressed na depressed si Evelyn at nandoon si Zach para sa kanya at hinandugan niya ito ng isang matinding kanta, na nabaliw si Zach na 'Oh, kumakanta pala si Evelyn!’"

RICHARD: "Nagulat nga ako doon sa ‘yo eh. Pero ang galing noong eksenang ‘yun ah? Nabilib ako kay Marian doon. Magandang eksena ‘yun—‘yung kumakanta si Yan."

Question: Kumusta naman po ka trabaho ang mga mkukulit niyong officemates na sina Ashley, Sef, Rocco, Matet at iba pa? Sino po sa kanila ang pinaka makulit? Can't wait to watch 'My Lady Boss’!



MARIAN: "Actually, masarap sila ka trabaho. Ang nakatrabaho ko na ay si Sef, tapos si Betong, si Ashley first time pero napakakalog din…’Yung naging cast namin sa 'My Lady Boss' ay talagang inborn na rin silang komedyante."

RICHARD: "At saka para silang mga magkakabarkada talaga. Noong pumasok sila sa set, noong una nagulat ako sabi ko, 'Parang magkakabarkada na ‘tong mga to.' "

MARIAN: "May term sila diyan—mga 'harot' sila."

RICHARD: "So parang ang dali nila makatrabaho kasi lahat good vibes na. Lahat maganda ‘yung samahan so naging maganda rin ‘yung samahan namin sa set, ‘yung pagganap namin sa roles namin."

MARIAN: "Actually makikita nila ‘yan, dahil magre-reflect naman ‘yan sa ginawa naming pelikula. At may bloopers kami doon. Sana ipalabas at makikita n’yo kung gaano kami kakukulit after ng eksena."

Positive Vibes

Question: Marian, ano ang pakiramdam at matapos ng ilang lingo lamang ay limpak-limpak na ang followers mo sa Instagram?

MARIAN: "Nakakatuwa kasi...na-realize ko na it's about time na bigyan ko ng something special ‘yung mga totoong nagmamahal sa akin; na i-share ko ‘yung mga private moment[s] ko, na ito ‘yung nangyayari sa akin. At naaliw ako kasi ang babait ng mga tao sa Instagram ko, at palagi ko ngang sinasabing good vibes lang. Ang sarap maging good vibes lang na walang ikina-i-stress sa sarili, kumbaga positive lang kasi magre-reflect ‘yan sa bawat araw-araw na ginagawa n’yo kaya ‘yun lang ‘yung lagi kong advice sa Instagram ko—lahat medyo good vibes lang."

RICHARD: "Ako din, ganyan ako sa account ko."

Question: Hi Chard, ang gaganda ng mga posts mo sa Instagram. Ano ang masasabi mo sa mga nagko-comment sa mga photos mo?

RICHARD: "Good vibes lang ang puwede."

MARIAN: "’Yun ‘yung pinakamagandang impluwensya."

RICHARD: "Actually sa Instagram kakaunti lang naman yung mag nagne-negative comments eh, kaya nga maganda ‘yung Instagram."

MARIAN: "Shh...’Wag na natin silang pag-usapan."

RICHARD:"Oh, basta good vibes lang sa Instagram."

What's next after My Lady Boss?

Question: Sana po ay magkaroon kayo ng soap kung saan magkasama kayong dalawa. Bagay po kasi kayong magka-partner and please stay in Kapuso.

RICHARD: "Abangan n’yo po ang mga susunod na kabanata. Pero for the meantime, panoorin po ninyo ang My Lady Boss sa July 3 na po ‘yan."

MARIAN:"At siyempre ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na kami sa inyo dahil kayo ang naging inspirasyon namin para gawing mas maganda pa ang My Lady Boss. Sana ay mas magustuhan ninyo dahil offer namin sa inyo ito ni Chard. Thank you."

Catch My Lady Boss featuring Richard Gutierrez and Marian Rivera on cinemas nationwide starting on July 3, 2013.