Buboy Villar, may anak na sa kaniyang GF na si Isay Sampiano
Ang Vice Chair na si Buboy Villar ng Your Honor, daddy of three na! Inamin ng Bubble Gang star for the first time sa YouLOL Originals vodcast nila ni Tuesday Vargas na may anak na siya sa content creator na si Isay Sampiano.
RELATED CONTENT: Meet content creator Isay Sampiano
Sa birthday special niya sa Your Honor na napanood nitong Sabado, March 22, kung saan guest din ang friend ni Buboy na si Jelai Andres, nagkuwento ito kung paano sila nagkilala ng kaniyang lovely partner.
Lahad ni Buboy, “Ilang taon na ako parang 'di ba trabaho, magpakatatay 'di ba. Nagiging busy ako para kung ano pa 'yung kaya kong gawin bilang isang ama. So, hindi ko naman maiiwasan 'yung parang may magcha-chat 'di ba.
“Pero actually, ako talaga 'yung unang nag-chat. Nagsimula muna ito sa 'Hi, Hello.'
“Tapos ako kasi, Madam Chair, totoo ha, actually after birthday ko 'to. Kung hindi ako nagkakamali Isay, siguro, mga March 23 yata tayo nagkita o 25, mga ganiyan right after my birthday. Ayoko kasi 'yung parang 'yung mangliligaw ako.” Sabay banat na, “Ang pogi 'di ba?”
Pagpapatuloy niya, “Kasi parang gusto ko na parang, okay mag-meet tayo ngayon. Mag-meet tayo, usap tayo, kain tayo. Kuwentuhan tayo, after that tatanungin ko, 'puwede ba kitang maging girlfriend?' Ganun na kaagad. Kasi, kesa manligaw pa sinasabi ko na parang puwede naman kitang ligawan araw-araw kahit tayo, e.
“Kaya kong gawin 'yun, ayoko na 'yung parang, 'O sige, makilala mo din kung sino rin talaga ako. Makikilala at makikilala mo ako, pero hindi naman 'yun parang magiging negats sa'yo. I'm pretty sure, kasi ako 'yung taong parang mas importante ka kaysa sa akin.'”
Inilarawan din ng Sparkle comedian na isang “blessing” si Isay sa kaniyang buhay.
“Number one rule ko talaga, siyempre may mga anak ako. Ang pinakagusto ko talaga, bago 'yan, bago mo ako mahalin, gusto ko lang sana maintindihan mo 'yung sitwasyon ko.
“Meron akong dalawang mga anak at kailangan mas mahal mo sila.
“Kasi sila ang buhay ko. Ngayon, 'pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.
“'Pag hawak mo 'yung buhay ko, hahawakan kita. Kumbaga hahawakan kita hindi para sakalin, hahawakan kita at aalagaan kita hangga't sa makakaya ko.”
“Para siyang naging blessing in disguise, Madam Chair. Nang dumating 'tong tao na 'to sobrang tahimik niya lang kasi. First time ko makaranas ng parang, kasi ang seryosong girlfriend ko lang naman hindi aabot ng lima, 'yun ang tottoo ah.
“Kumbaga first-time ko maranasan na siya lang 'yung parang laging nakikinig sa akin. Parang ako pa 'yung, may gusto ka bang i-share sa akin. Mag-share ka naman.”
Matapos ibahagi kung paano nagsimula ang love story nila ni Isay, dito na proud na inamin ni Buboy Villar na biniyayaan na sila ng baby boy.
“Kaya siguro rin Madam Chair, aaminin ko rin na kaya kami biniyayaan nang isang sanggol. Kaya kami nagkaroon ng baby din at shout out sa baby namin diyan si Kyruz (full name Kyrie Astraeuz Miamor).
“After seven years yata akong single, matagal din po Madam Chair. Nagdadasal ako palagi na Lord, sabi ko, 'Lord ayoko naman nagmamadali gusto ko lang din naman na kung ano 'yung nararapat po sa akin.'
“Sana siya na lang talaga! Answered prayers talaga siya. Talagang sobrang blessed ako sa kaniya.”
Bukod sa baby nina Buboy at Isay, may anak din ang comedian sa dati niyang ex-partner na si Angillyn Gorens na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Balikan ang kanilang interview dito:
RELATED CONTENT: Pretty photos of Isay Sampiano, the girl who puts a smile on Buboy Villar's face
Isay Sampiano
There's no denying the chemistry of Isay Sampiano and Sparkle comedian Buboy Villar. The 'Your Honor' host has been seen a couple of times collaborating with this pretty influencer.
Tattoo
You can get some cute ideas for your next tattoo by checking out the social media page of Isay.