Robb Guinto, nakatanggap ng 'house and lot' na indecent proposal?
"Tigil-tigilan n'yo kami."
Ito ang diretsahan pahayag nina Robb Guinto at Yen Durano nang sumalang sa session ng Your Honor nitong Sabado, March 29 kung saan napag-usapan ang topic na indecent proposal.
Umamin si Robb kina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar na may mga tao nag-o-offer sa kaniya ng indecent proposal lalo na online.
Lahad niya, “Marami sa mga pages namin. Sa mga accounts namin pero na-ihandle namin. Sa akin ha kung paano ko ihandle 'yun. Ako, hindi ko siya pinapansin, kasi the more na pinapansin mo siya mas lalo nilang aakalain nila na, 'Ay! Okay 'to. Game siya, baka nagpapataas lang ng 'to presyo,' may mga ganun thinking 'yung mga ibang tao. Kaya ang ginagawa ko, hindi ko na lang pinapansin.”
Nang tanungin siya ni Vice Chair Buboy kung ano 'yung nakalulang offer, sinabi ni Robb na may nag-offer na sa kanya ng house and lot.
Pero agad niya ito tinanggihan. “Ang katuwiran ko naman kasi sa sarili ko, bakit ako mapupunta sa ganung sitwasyon kung kaya ko naman magtrabaho para sa sarili ko.”
Ganun din ang sentemyento ng anak ni DJ Durano na si Yen Durano pagdating sa indecent proposals.
Aniya, “I don't engage in it. It's funny to me na lang, I'm not a very greedy person. Like I have my needs, I'm well provided for-- my mom. I make my own money, I don't need the extra. I don't need the mga bags.
“I know my worth. Separate 'yung work ko sa buhay ko. Kung sa kung sino ako, 'yun 'yung common misconception na okay lang sa amin 'yung ganun. Hindi po!
“Kaya tigil-tigilan n'yo ang pagdi-DM sa amin.”
Balikan ang interview nina Robb Guinto at Yen Durano dito:
RELATED CONTENT: How celebrities react to indecent proposal