Buboy Villar and Isay Sampiano in Your Honor
TV

Isay Sampiano, masaya dahil tanggap din ng mga anak ni Buboy Villar

By Aedrianne Acar
Buboy Villar at Isay Sampiano, naiyak sa 'Your Honor.' Bakit kaya?

Emosyonal na nagbigay ng mensahe ang partner ng Your Honor host na si Buboy Villar na si Isay Sampiano.

Nitong Sabado (March 22), first-time inamin ni Buboy sa publiko sa YouLOL Originals vodcast na may baby boy na sila ni Isay na ang pangalan ay si Kyrie Astraeuz Miamor.

RELATED CONTENT: Meet content creator Isay Sampiano

Sa guesting ni Isay sa Your Honor, nagbigay ito ng birthday message sa kaniyang boyfriend.

“Nagpapasalamat ako kay Lord, kasi ikaw 'yung binigay niya sa akin.

“And sana gabayan niya tayo sa landas na tayo pa rin 'yung magkasama and lagi lang ako naka-support sa'yo through ups and downs, alam mo 'yun.”

Hindi na napigilan ni Isay na maluha at kahit din si Vice Chair ay naiyak na rin.

Sumunod na sinabi ng partner ni Buboy, “Kasi kahit nagkaka-problema kami, pero hindi ko na sasabihin. Nagkaka-problema kami, pero lagi lang niya sinasabi na magdasal lang palagi.

“Kahit na sa side ko parang hindi ko na talaga kaya 'yung problema. Pero nandiyan siya palagi para sa akin.

“Thank you so much, kasi tinanggap din ako ng mga anak mo 'yun lang. Happy Birthday uli, I love you.”

May dalawang anak na si Buboy na sina Vlanz Karollyn at George Michael.

Natanong naman ni Madam Chair Tuesday Vargas kung ano ang nagustuhan ni Isay kay Buboy.

Pag-amin niya, “Lahat. Pero actually hindi ko talaga alam.” Sabay tawa nina Buboy, Tuesday, at guest na si Jelai Andres.

Paliwanag niya, “Hindi ko talaga alam, kasi 'di ba nga 'pag mahal mo 'yung isang tao hindi mo alam 'yung explanation kung bakit mo siya mahal.”

RELATED CONTENT: Gorgeous photos of content creator Isay Sampiano

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.