Buboy Villar sa kaniyang girlfriend: 'Proud ako na mahal niya kami ng mga anak ko'
Ang Vice Chair ng Your Honor, may pasabog na birthday this weekend!
Magkakaroon ng masayang session ang fast-rising YouLOL Originals vodcast dahil makiki-celebrate pa sa atin ang BFF ni Buboy na si Jelai Andres.
At magkakaroon pa ng kilig revelation ang co-host ni Tuesday Vargas tungkol sa kaniyang girlfriend.
Sa teaser ng Your Honor, binanggit ng Bubble Gang star ang hiling niya sa kaniyang karelasyon bago siya nito mahalin at ito ay may kinalaman sa mga anak niya na sina Vlanz Karollyn at George Michael.
Aniya, “Number one rule ko talaga, bago mo ako mahalin gusto ko lang sana maintindihan mo 'yung sitwasyon ko.”
“Meron akong dalawang anak at kailangan mas mahal mo sila.” Binigyan diin ng Sparkle comedian, “Kasi sila ang buhay ko. Ngayon, 'pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.
“Talagang sobrang blessed ako sa kaniya. Proud ako ako sa karelasyon ko, proud ako na mahal niya kami [ng] mga anak ko.”
Sino kaya ang jowa ni Vice Chair Buboy?
Tutukan ang 'girlfriend reveal' sa Your Honor ngayong March 22, pagkatapos ng Pepito Manaloto na mapapanood sa YouLOL YouTube channel!
RELATED CONTENT: BUBOY VILLAR AND ANGILLYN GORENS'S ADORABLE BABIES VLANZ AND GEORGE