Kakai Bautista, minsan na ring napagod sa pagiging breadwinner?
May kapupulutan na aral ang mga listener at fan ng YouLOL Originals vodcast na Your Honor nang mapili maging resource person this week ang versatile performer na si Kakai Bautista.
Sa pagsalang ng magaling na comedienne sa session na "In Aid of Buhay Single: Keri mo ba talaga" with Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar, napagusapan nilang tatlo ang pagpapahalaga sa "happiness" ng mga breadwinner ng pamilya. Binigyan-diin ng First Yaya actress na importante para sa mga provider sa family na huwag kalimutan ang kanilang mga sarili.
Umamin din si Kakai sa House of Honorables na minsan din siya napagod noon sa pagiging breadwinner.
Ano kaya ang nangyari kay Kakai?
“Lahat tayong mga breadwinner sobrang mahal natin ang pamilya natin, pero nakakalimutan talaga natin mga sarili natin. Kaya lagi ko sinasabi sa mga post ko na, 'pag bread winner ka, sarili mo muna.
“Kailangan mo intindihin ang sarili mo, kailangan pasayahin ang sarili mo. Bakit?
Sagot agad ni Kakai, “Napakahirap maging breadwinner. Kapag hindi ka masaya, mauubos ka, bes!
“Kailangan may reward ka, kahit siopao lang 'yan. Kailangan mo pasayahin ang sarili mo. Bakit?
“One time kasi sa buhay ko hindi na ako masaya sa pagiging breadwinner. Pagod na pagod na ako, pero nung binigyan ko 'yung sarili ko ng limit. Oh eto lang ha! Binili ko na 'yung gusto ko, kinain ko 'yung gusto ko, naging mas masaya ako magbigay. Mas masarap magbigay, 'pag masaya kang nagbibigay sa sarili mo lalo na ang mga breadwinner.
“Kaya dapat ang breadwinner talaga intindihin muna ang sarili.”
Listen up, mga Ka-YouLOL sa payo ni Kakai Bautista para sa mga breadwinner sa video below:
RELATED CONTENT: Celebrities who are building wealth through their businesses