Your Honor: Kakai Bautista, iwas agad sa mga lumalandi sa kaniya?
Mababansagan ng mga netizen at fan na 'guru' sa pagiging single ang versatile comedienne at singer na si Kakai Bautista.
Sumalang ang former First Yaya star bilang resource person sa Your Honor nitong Sabado (March 15) at humarap sa mapanuring mata nina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar.
Dito, inamin ni Kakai Bautista na 'choice' niya ang pagiging single.
Aniya, “Choice ko talaga, kasi para sa akin ngayon ko lang nae-enjoy time ko for myself.”
“Ngayon ko na-e-enjoy 'yung pera ko, ngayon ko nae-enjoy 'yung buhay ko na medyo kalmado na lahat at nakakaluwag-luwag na. Kasi, imagine mo sa mga naging relasyon natin dati aminan naman natintime, money, lahat, effort! 'Yung mental health natin lagi nakasalalay,emotional health.”
“Sobra ko ine-enjoy yung mag-isa lang ako. Mahirap kasi i-explain lalo na sa mga tao hindi sanay maging single nang matagal, 'yung single nang isang buwan.”
Tanong ni Buboy Villar sa kanilang resource person,“Pag may jowa ba stressed ka po ba dun?”
Paglilinaw ang comedienne, “Hindi naman, siyempre hindi mo maalis 'yun, pero siguro isa rin sa mga dahilan 'yung trauma ko sa mga nakaraang life. Pero ngayon kasi, 'yung mga love life ko dati, ngayon ko lang kasi, na-e-enjoy 'yung kapag kunwari naguusap-usap kayo magkakaibigan, ta's lahat sila may problema sa married life ganyan. Gaganun ko lang [makes motions with her crossed arms].
“Kasi wala ako ganun. Pero choice ko kasi, gusto ko pa i-enjoy ba. Sumobra na nga sa pag-e-enjoy, pero gusto ko pa rin i-enjoy.”
Kinikilatis din daw ni Kakai Bautista ang mga taong nakikipag-flirt o nanliligaw sa kaniya ngayon dahil naging 'traumatic' ang last relationship niya before pandemic.
Ano ang ginagawa niya kapag may nakita na siya sa guy na red flag?
“Tapos, ngayon kunwari may ganiyan 'yung flirting-flirting, may lumiligaw, may gumaganito sa'yo lumalandi. Kumbaga, pinagiisipan ko mabuti.
“Ju-jump ako dun sa emosyon, pero, kapag meron ng isang red flag goodbye! Goodbye agad!”saad ni Kakai.
“Not unless nag-invest na ako talaga ng malala, pero 'yung mga dumadaan-daan lang goodbye na agad.”
Balikan ang balitaktakan ni Kakai Bautista kasama ang House of Honorables sa video below!
RELATED CONTENT: KAKAI BAUTISTA REDEFINES SEXINESS