Kakai Bautista: 'Ang hirap maging matalino sa pag-ibig'
Single ka ba? Sumama ka at manood sa masayang session ng viral YouLOL Originals vodcast na Your Honor ngayong March 15 dahil bibisita ang versatile actress, singer at comedienne na si Kakai Bautista!
Haharap ang magaling na performer bilang resource person nina Madam Chair Tuesday Vargas at Vice Chair Buboy Villar para sa session na “In Aid of Buhay Single: Keri mo ba talaga?”
Sa online teaser na inilabas ng Your Honor sinabi ni Kakai na enjoy siya sa buhay single.
Lahad niya, “Ngayong ko lang nae-enjoy 'yung time ko for myself. Ngayon ko nae-enjoy 'yung pera ko, ngayon ko nae-enjoy 'yung buhay ko.”
May patama rin siya sa mga taong nagtatanong sa kaniya kung kailan siya magpapakasal.
“Ay naku!”. Sabay hirit ng singer-comedienne sa harap ng House of Honorables: “Nagsawa na sila sa akin. Kelan ka mag-aasawa? Sabi ko, ikaw nakaisip, ikaw gumawa. Ano ang pakialam n'yo kung matandang dalaga ako!”
Pagtatapat pa niya, "Mahirap maging matalino sa pag-ibig. Ako hindi ako matalino sa pag-ibig."
Huwag papahuli sa kulitan kasama si Kakai Bautista sa Your Honor, March 15 sa YouLOL YouTube channel, pagkatapos ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
RELATED CONTENT: KAKAI BAUTISTA REDEFINES SEXINESS