Mikoy Morales at Mika Salamanca, tandem bilang hosts ng 'Kaladlawan' ng YouLol
Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama ang award-winning Kapuso actor na si Mikoy Morales at content creator turned Sparkle actress na si Mika Salamanca bilang bagong tandem na aabangan sa YouLol, ang official comedy channel ng GMA Network sa YouTube.
Magpapasaya sina Mikoy at Mika bilang hosts ng online content na “Kaladlawan” kung saan pag-uusapan ang kasaysayan ng comedy sa Pilipinas. Mapapanood ito sa YouLol ngayong April.
Nagbigay naman ng pahapyaw si Mika sa magiging takbo ng nasabing exclusive content ng YouLol.
Aniya, “Kaladlawan po kase means, anything that excites laughter. 'Yun po ang meaning niya. So magiging po siyang parang documentary…and may mga ininterview din po kaming mga tao rito.”
Dagdag naman ni Mikoy, “First episode goes way back, sa history ng comedy talaga kung paano [siya nagsimula], and evolution ng comedy sa bansa natin,” dagdag naman ni Mikoy.”
Exciting naman para kay Mika ang maging host ng online content na ito dahil isa na-master na rin niya ang online world. Patunay na rito ang pagkakaroon niya ng 10.4 million Tiktok followers, 4.5 million Youtube subscribers, at 3.3 million Instagram followers.
Napanood na rin Mika sa ilang Kapuso shows gaya ng Maging Sino Ka Man at Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2. Minsan ay guest artist na rin siya sa Kapuso comedy gag show na Bubble Gang.
Samantala, bukod naman sa “Kaladlawan,” naghahanda na rin si Mikoy sa kaniyang karakter sa upcoming historical drama ng GMA na Pulang Araw.
RELATED GALLERY: Mikoy Morales at Mika Salamanca talk about authenticity