YouLOL: Mga Kapuso, binigyan ng #BestChristmasEver
Walang patid ang paghahatid ng GMA Network shows ng #BestChristmasEver sa mga natatanging Kapuso, para mas lalo maging #FeelingBlessed ang kanilang Pasko this 2023.
Tampok nitong Sabado (December 16) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang fan ng sitcom na si Joshua Matthew Publico.
Sa naturang episode ng flagship comedy program, sinorpresa ng Manaloto fambam si Joshua na isang construction leadman na maraming tinulungan para makapasok ng trabaho bilang construction worker sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
A fan of Pepito Manaloto shares his favorite Christmas moment!
Samantala, may natanggap naman na maagang Christmas gift si Diego Llorico mula sa mga kasamahan niya sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Taon-taon kasi nagsasagawa si Diego ng feeding program para sa mga bata. Kaya para suportahan siya this year, binigyan siya ng mga laruan ng buong Ka-Bubble team para sa kaniyang community outreach
Sino-sino naman kaya ang mga masuwerteng Kapuso na binigyan ng #BestChristmasEver ng Fast Talk with Boy Abunda at The Boobay and Tekla Show?
Alamin sa videos below!