Filtered By: Celebrity Life | News
Herlene Budol
Celebrity Life

TRIVIA: Things You Didn't Know about Herlene "Hipon Girl" Budol

Makulay ang buhay ng dating 'Wowowin' co-host na si Herlene Nicole Budol.

Nakilala si Herlene aka “Hipon Girl” sa hit segment ng show ni Willie Revillame na "Wil of Fortune" taong 2019.

Sa panayam kay Herlene ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog, taos-puso ang pasasalamat nito sa show na nagbigay daan sa kanya para mabigyan ng kaginhawaan ang kanyang pamilya.

Sambit niya, “Pero masaya ako, sobrang laking bagay ang nagyari sa buhay ko nung pumasok ako sa 'Wowowin,' nabago [rin] 'yung buhay ko. Nabigay ko [rin] 'yung mga bagay na hindi ko naibigay dati.”

Sa murang edad na 17 years old, pinasok naman ni Herlene ang mundo ng beauty pageant sa pag-uudyok ng kanyang ina.

Pagbabalik-tanaw niya, “Hindi napilitan lang din ako [dahil] sa mama ko. Kasi 'yung ate ko, title holder ng Muzon tsaka ng Angono, title holder.

“Parang sabi ni Mama, 'Ay, gayahin mo Ate mo marami ginagawa sa buhay, dapat ikaw din.”

“Sa Binibining Angono, nag-title holder ako noon.”

Higit pa natin kilalanin ang 'Wowowin' breakout star na si Herlene Budol sa gallery below.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.