Mawawalay si Olivia sa kanyang anak na si Carina dahil sa baluktot na pananaw ng kanyang mga magulang. Lilipas ang panahon at mabibigyan siya ng pagkakataong mabalikan ang batang isinilang.
Pero dahil sa pagkakaroon niya ng kakaibang sakit na tinatawag na chimerism, patuloy na maipagkakait sa kanya ang sariling anak.
Sa gitna ng pakikipaglaban ni Olivia sa karapatan kay Carina, muli rin silang magkikita ni Clark—ang nag-iisang taong minahal niya. Siya rin ang ama ni Tristan na siya namang magiging malapit na kaibigan ni Carina.
Magkakasama pa kaya ang mag-inang Carina at Olivia? May pag-asa pa kayang magkabalikan sina Clark at Olivia? O sina Carina at Tristan na ang magpapatuloy ng naudlot na kwentong pagmamahalan ng kanilang mga magulang?