zoren legaspi mavy legaspi and carmina villarroel
PHOTO COURTESY: zoren_legaspi (IG) and Widows' Web (show page)
TV

Zoren at Mavy Legaspi, humanga sa husay ni Carmina Villarroel sa 'Widows' Web'

By Dianne Mariano
Nagpahayag ng paghanga sina Zoren at Mavy Legaspi kay Carmina Villarroel dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte, lalo na sa isang madamdaming episode ng 'Widows' Web.'

Humanga sina Kapuso actors Zoren Legaspi at Mavy Legaspi kay Carmina Villarroel dahil sa galing nito sa pag-arte sa GMA suspenserye na Widows' Web.

Ibinahagi ng batikang aktres sa Instagram ang kanyang matinding eksena sa kamakailan, kung saan mapapanood ang pagluluksa ng kanyang karakter na si Barbara Sagrado-Dee dahil binawian ng buhay ang nag-iisang anak nito na si Jed (Anjay Anson) sa ospital matapos mabaril ni William (Bernard Palanca).

Sa comments section, isang congratulatory message ang hatid ng Apoy sa Langit star, “Congrats honey!!!!” Humanga rin ang aktor sa kanyang asawa at nag-comment, “Ang lalim ng hugot “BRAVO.”

PHOTO COURTESY: mina_villarroel (IG)

Katulad ni Zoren, bilib din si Mavy sa angking talento ng kanyang ina sa pag-arte at nag-iwan ng comment, “Ang galing mo talaga ma! (crying emoji).”

PHOTO COURTESY: mina_villarroel (IG)

Sa katunayan, ang episode na ipinalabas noong April 26 ay naging trending topic pa sa Twitter Philippines at nakakuha pa ito 10.4 percent combined ratings, ayon sa NUTAM People Ratings.

Huwag palampasin ang huling linggo ng Widows' Web, Monday to Friday, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, alamin ang buhay at career ni Carmina Villarroel-Legaspi sa gallery na ito.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.