Carmina Villarroel as Barbara in Widows Web
TV

Pagluluksa ni Carmina Villarroel bilang Barbara sa 'Widows' Web,' trending!

By Dianne Mariano
Naging trending topic sa social media kahapon (April 26) ang latest episode ng 'Widows' Web.' Maraming salamat, mga Kapuso!

Isang emosyonal na episode ang napanood kagabi (April 26) sa Widows' Web dahil sa pagluluksa ni Barbara Sagrado-Dee (Carmina Villarroel) matapos bawian ng buhay ang kanyang nag-iisang anak na si Jed (Anjay Anson) sa ospital.

Mabilis na naging trending topic sa Twitter Philippines ang naturang episode na mayroong hashtag na #WWMothersGrief.

Carmina Villarroel

PHOTO COURTESY: Twitter

Bukod sa pagluluksa ni Barbara, nasaksihan din ang pagiging emosyonal nina Elaine (Pauline Mendoza) at Gloria Querubin (Tanya Gomez) dahil makakalaya na si Frank (EA Guzman) mula sa pagkakakulong nito.

Samantala, inamin ni Vladimir (Adrian Alandy) kay Jackie (Ashley Ortega) na siya ang bumaril kay Xander (Ryan Eigenmann). Ipinaliwanag din ni Vladimir na kung hindi niya binaril si AS3, siya ang papatayin nito.

Ano kaya ang buong kuwento tungkol dito?

Ayon naman sa NUTAM People Ratings, nakakuha ng 10.4 percent combined ratings ang nakaraang episode, mas mataas sa katapat nitong palabas na mayroong 7.5 percent lamang.

Huwag palampasin ang huling tatlong gabi ng Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.